Pagkalipas ang anim na buwan ay nagpa check up ang amo at pagdating sa bahay ay sinabi nito na iinumin na ang gamot na ipinatabi sa kasambahay. Nagulat si Glor dahil halos isang taon nang expired ang gamot, kaya sinabi niya sa amo ang, “Maam, are you sure?”. Sagot naman ng amo, “It’s ok, you know it’s very expensive.”
Ininom nga ng amo ang gamot at sa awa ng Diyos ay mukhang wala namang naging masamang epekto ito.
Nang ikuwento ni Glor sa isang kaibigan ang tungkol sa gamot ay nagtawanan na lang sila nang sabihan niya na kaartehan lang para yang expiration na yan sa gamot, dahil kapag mahal pala ay ok pa rin. Sabi naman ng
kaibigan, wala naman siyang dapat ikabahala dahil sinunod lang niya ang utos ng amo.
Lingid sa dalawa, hindi naman talaga agad nawawalan ng bisa o nakakasama ang mga gamot na expired na dahil parang gabay lang iyon sa mga pasyente.
Marami ang may bisa pa ng ilang buwan pagkatapos ng nakasaad na expiration date. Si Glor ay tubong Bacolod at nagtratrabaho sa Sai Ying Pun at magtatapos pa lang ng kontrata sa among Intsik na may dalawang anak. – Ellen Asis