Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ano ang sanhi ng high blood niya?

17 April 2018

Bakas sa mukha ni Greg, 56, ang pag-aalala habang nakaupo sa kanyang kwarto at hawak-hawak ang reseta ng gamot para sa pampababa ng presyon ng dugo. Nakakasawa daw yung pag-inom ng gamot na pang-maintenance at nakakatakot dahil baka masira ang kanyang bato at atay. Pero hindi siya makapalag dahil ang amo niyang orthopedic  doktor ang nagpasya na ipakonsulta siya sa cardiologist noong nakaraang taon kahit wala naman daw siyang kakaibang nararamdaman sa sarili.

Katunayan nga, araw-araw pa siya kung mag-check ng kanyang blood pressure o bp, at lagi naman daw normal ang resulta. Gayunpaman, hindi siya nakatanggi nang resetahan siya ng pang maintenance dahil ayon sa doktor ay kailangan na niya ito.

Minsan ay tinanong niya ang amo kung pwedeng tigilan na niya ang pag inom ng gamot pero sinabi nitong hindi puwede dahil doktor lamang daw ang makapagsasabi nito. Sa takot sa maaaring masamang epekto ng gamot na sa tingin niya ay hindi niya kailangan ay agad niyang sinasabayan ng pagkain ang pag-inom nito, sa pag-asang hindi ito tatalab masyado.

Gayunpaman, nagtataka siya kung bakit biglang tumaas ang kanyang presyon. Dahil daw kaya sa mga pagkaing matanda? O dahil mabagal na ang kanyang panunaw sanhi ng kanyang edad, o ng kawalang ehersisyo? Iniisip din ni Greg na marahil ay kulang na siya sa pagpag at hindi na nakaka “change oil” magmula nang mag for good ang asawa, sabay tawa.

Noong nalaman ng kanyang asawa na kapwa Kapampangan ang kanyang pag alta presyon ay nagbiro din ito na baka nga “kulang” lang siya, kaya maghanap daw siya ng girlfriend. Ganito rin ang tukso ng kanyang mga kaibigang babae, at pati na ng amo, samantalang ang isa pang naisip niya ay ang dagdag tensyon sa trabaho.

Nakapunta ng dalawang beses si George sa isang private doctor na ang singil ay $800 kada patingin bago siya pinalipat ng amo sa isang government health center. Ngayon sa halagang $50 lang ay libre na ang kanyang pagkonsulta tuwing ikatlong buwan, blood test at mga gamot.

Ingat na ingat si Greg ngayon na huwag magalit, at mas madalas na isda at gulay na ang kinakain kaysa karne.

Natutuwa siya dahil noong pinakahuling patingin niya sa doktor ay normal na lahat ang kanyang kalagayan. Kapag nanamlay siya, alam na niya na kailangan lang niya ng ehersisyo. Kailangan lang talaga na mas alagaan ang sarili kapag medyo tumatanda na.– George Manalansan

Don't Miss