Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Maling bintang ng amo

05 March 2018

Isa si Mila sa mga mahirap ang kalagayan sa amo. Sa walong buwang ipinagtrabaho niya ay walang araw na hindi siya nahahanapan ng mali ng amo. Isa pag sa mga problema niya ay lagi siyang pinagbibintangan ng amo na magnanakaw. Kahit anong bagay na hindi agad makita ng amo ay sinasabi na ninakaw niya.

Isang araw na naglilinis si Mila, hindi niya akalain na biglang magsisigaw ang amo, hanap ang kwintas na inilagay daw nito sa drawer. Dahil sanay na si Mila sa mga inaasta ng amo ay hindi niya ito masyadong pinansin, ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang bigla itong magwala.

Pilit na pinahanap kay Mila ang kwintas sa buong bahay, pati na sa kuwarto niya. Pagod na pagod si Mila sa kakahanap at balisang-balisa dahil sa pagbibintang ng amo kahit alam naman niyang wala siyang kinuha na hindi kanya.

Dumating ang lola at pati ito ay pinaghanap sa nawawalang kuwintas pero wala silang nakita. Buong araw na panay sermon ang inabot ni Mila, kaya napaiyak siya na hindi alam ang gagawin.

Pagkatapos ng hapunan, habang naghuhugas ng pinagkanan si Mila sa kusina ay biglang pumasok ang amo, bitbit ang kuwintas na nailagay pala nito sa pitaka. Napaiyak sa sahig si Mila na umiiyak dahil hindi niya mapigilan na ilabas ang sama ng loob.

Humingi naman ng pasensiya ang amo sa kanya. Marahil dahil doon ay nagbango na ang pakikitungo ng amo kay Mila, at masaya naman siya dahil hindi na siya naghihirap tulad ng dati. Si Mila ay 42, tubong Capiz at nagtatrabaho sa Tsing Yi. – Rodelia Villar

Don't Miss