Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bistado ang mag-asawa kinabukasan

01 March 2018

Nangingiti na may halong pagkahiya si Nilo, 35, Kapampangan, tuwing naaalala ang isang pangyayari nang magbakasyon sila at ng kanyang asawa na kapwa niya OFW sa Hong Kong, sa bahay ng biyenan niya kamakailan.

Sa unang gabi ng kanilang pagtira doon ay naghaharutan silang mag-asawa habang ang buong bahay ay tahimik na at naghihilik ang iba pa nilang kasama sa bahay. Sa umpisa ay lambingan at kurutan muna, hanggang hindi na nila napigilan ang lukso ng damdamin.

Nang nasa sukdulan na si Nilo ay tarantang taranta siya dahil hindi niya malaman kung siko o palad ang itutukod sa sahig na kawayan para hindi ito lumangitngit ng husto. Kasi bawat palit niya ng posisyon ay may langitngit. Kapag siko, may langingit, kapag palad naman, ganoon pa rin.

Nakaraos sila na pigil na pigil na huwag silang makagawa ng ingay para hindi mapansin ng mga kasambahay, hanggang sa… Kinaumagahan sa hapag almusal ay nakangiti ang lahat, na parang may alam silang lahat na sikreto. Nabasag ang katahimikan nang biglang humagalpak ang kanyang bayaw, sabay turo sa kanyang suot.

Hiyang hiya si Nilo dahil baligtad pala ang kanyang shorts. Agad-agad siyang lumabas sa pagkapahiya, pero bumalik din agad at idinaan na lang sa biro ang lahat.

Nakisakay na lang silang mag-asawa sa tawanan at kantyawan, pero pasikretong sinabihan ni Nilo ang asawa ang, “Hon, uwi na lang tayo bukas, titiisin ko na lang tonight. Nakakahiya, iskandalosa ang sahig dito.”

Ngayon, tuwing may bidahan tungkol sa kaberdehan ay laging naalala ng mag asawa ang nakakahiya at nakakatawang pangyayaring ito. – George Manalansan

Don't Miss