Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Swerte galing sa tapat na serbisyo

17 February 2018

Kinailangang umuwi sa Indonesia ang kasambahay ng nanay ng among lalaki ni Amelita kaya pinakiusapan siyang samahan muna niya sa bahay ang matanda ng 20 araw para may kasama ito.

Edad 85 anyos na ang popo at malilimutin na, kaya hindi pwedeng iwanan mag-isa. Wala man ito sa kontrata ni Amelita ay hindi siya makapagreklamo, lalo at wala na ang kanyang alaga dahil  nag aaral na ito sa London.

Kabado man dahil sa mga naririnig  sa mga kapwa kasambahay na hindi maganda ang ugali ng matatandang Intsik ay sinikap ni Amelita na pagsilbihan ito ng husto kaya naging maayos ang samahan nila.

Tuwing tinatanong niya ito kung masarap ang niluto niya ay laging “ok, lah” ang sagot nito. At kung tanungin niya kung may kailangan ito ay “M sai lah” (nothing) naman ang sagot ng matanda.

Mukhang totoo naman na nagustuhan nito ang mga niluluto niya dahil kapag dumarating ang anak ay panay ang kuwento na marami siyang nakain. 

Natuwa ang kanyang amo sa ginawa niyang pag-aalaga sa matanda kaya binigyan siya ng bonus. Ang sabi pa nito, “You make my mother happy so you deserve a reward.” Sobrang saya din ni Amelita dahil naging swerte ang pasok ng taong 2018 sa kanya at madadagdagan ang kanyang ipon.

 Si Amelita ay dalaga na taga Quezon at magtatapos pa lang ng unang kontrata sa kanyang amo sa katapusan ng taon. – Ellen Asis 

Don't Miss