Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nakuha ang loob

21 February 2018

Ang pagkuha ng isang kasambahay  ay isang malaking hamon, sa amo man o sa migranteng manggagawa. Kailangan nila pareho ang magtiwala at pagkatiwalaan. Hindi ito madali dahil sa pagkakaiba ng kultura ng magkabilang panig.

Sa isang kasambahay, madalas ay kinakailangang dumaan sa maraming pagsubok bago makuha ang loob ng amo, lalo na kung ito ay isang Intsik. Ganito ang nangyari kay Liezel.

Nakagawian na ng pamilya ng kanyang amo na magtipon-tipon tuwing Miyerkules para magsalo sa hapunan. Kapag ganitong pagkakataon, ang amo ni Liezl ang nagluluto, at siya ay tagahiwa lang. Umuuwi ang kanyang amo ng bandang alas kuwatro pa lang ng hapon mula sa trabaho para magluto ng iba-ibang putahe.

Isang Miyerkules kamakailan, tumawag ang kanyang amo eksaktong alas kuwatro ng hapon para sabihing hindi siya makakauwi ng maaga dahil may emergency sa ospital na pinapasukan. Binilinan na lang nito si Liezl ng mga dapat gagawin at kung paano lutuin ang mga putahe na ihahain.

Aligaga man ay pinagsikapan ni Liezl na sundin ang lahat ng bilin ng kanyang amo. Dahil nakagawian na niya na isulat ang mga ginagawa ng amo tuwing ito ay nagluluto ay hindi na niya kinailangan pa na maging wonder woman upang magawa lahat ang dapat gawin sa takdang oras.

Eksaktong ala sais ng gabi ay nasa mesa na ang lahat ng pagkain, at hindi nagtagal ay nagdatingan na ang mga bisita. Masayang nagkainan ang lahat, at ang sabi pa ni popo, “the food is very nice” at pwede na daw siyang magtayo ng restaurant.

Kumakain na sila ng panghimagas nang dumating ang kanyang amo. Pagdating ng bahay ay tumuloy agad ito ng kusina kung saan naghuhugas ng  mga pinagkainan si Leizel at tuwang-tuwa itong nagpasalamat dahil nakapagreport na dito si popo tungkol sa galing ng kanyang luto.

Ayon sa amo, “very smart” daw si Liezl at “she has done a good job.” Laking pasasalamat naman ni Leizel na nakapasa siya sa pagsubok nang walang masyadong pagod dahil noon pa man ay pinaghandaan na niya kung paano niya gagawin ng maayos ang trabaho at sundin lahat ng gusto ng amo.

Ngayon ay balak ni Liezl na pumayag na mag recontract sa amo dahil kabisado na niya ang ugali nito. Si Liezl ay natutong maging responsable kahit 23 taong gulang pa lang at dalaga. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Sai Wan Ho. – Ellen Asis

Don't Miss