Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ingat sa tinik!

23 February 2018

Hindi inakala ni Minda na magiging malala ang simpleng pagkatinik sa isda ng kanyang daliri.

Tinatanggalan niya noon ng kaliskis ang isda nang bigla siyang matinik sa gitnang daliri ng kanyang kaliwang kamay.  Sa umpisa ay balewala lamang sa kanya ang kaunting kirot na nararamdam sa daliri, ngunit pagkalipas ng tatlong araw ay namaga na ito at hindi na niya masyadong maigalaw ang kanyang kaliwang kamay. 

Agad namang ipinaalam ni Minda sa kanyang amo ang nararamdaman. Binigyan siya nito ng gamot na pang-alis ng sakit, ngunit sa halip na bumuti ang kanyang pakiramdam ay lalong pa itong lumala at para na siyang lalagnatin. Agad siyang nagpaalam sa kanyang amo na magpatingin na sa doktor.

Noon lang nalaman ni Minda na hindi na pala ordinaryong sakit ang kumapit sa kanya. Kumalat ang impeksyon sa kanyang ugat sa kamay at kinailangan na niyang maoperahan kaagad. Sa ospital ay inabot ng 20 tahi ang sugat niya sa kamay, kaya kinailangan niyang mamalagi doon ng tatlong araw.

Mabuti na lamang at sa Hong Kong din nagtatrabaho ang kanyang asawa kaya may nag-alaga sa kanya habang siya ay nagpapagaling. Kinailangan ni Minda na bumalik sa ospital araw-araw para mapalinisan ang kanyang sugat.

Sa ngayon ay hirap si Minda sa paggawa ng mga gawaing bahay dahil kahit hindi pa lubos na magaling  ang kanyang operasyon ay kinailangan na niyang magtrabaho gamit ang kanyang kanang kamay. Sinagot naman ng kanyang amo ang lahat ng gastos sa ospital at pati na rin sa gamot. Si Minda ay matagal nang  naninilbihan sa pamilyang Intsik sa Happy Valley. – Emz Frial

Don't Miss