Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Aray ko po!

05 February 2018

Namimilipit sa sakit si Violy, Ilokana at 50 taong gulang, nang dalhin siya sa Ruttonjee Hospital sa Wanchai noong Enero 8. Pagbaba niya kasi mula sa higaan niyang mataas ay nasabit ang kanyang tuhod sa hagdanan nito, at nasugat.

Kinailangan siyang operahan dahil sa dugong namuo sa kanyang tuhod. Muli ay matinding sakit ang naramdaman niya dahil nababanat ang balat sa kanyang sugat kada hakbang niya. Agad naman siyang pinauwi pagkatapos ng operasyon, at pagkalipas ng ilang araw ay pinabalik para sa therapy.

Pero nang tingnan ng doktor ang kanyang tuhod ay nakita nitong may natira pang dugo sa sugat, kaya kinailangan niyang maoperahan muli. Magkahalong takot at sama ng loob ang naramdaman ni Violy nang muli siyang operahan.

Mabuti na lang at umayos na ang kanyang pakiramdam pagkatapos nito, at dahil binigyan siya ng isang linggong pahinga ng doktor. Alalang-alala naman ang kanyang amo, at lagi siyang sinasabihan na magpahinga.

Alam ni Violy na aksidente ang nangyari, pero tuwing binabalik-balikan niya ang pangyayari, naiisip din niya na dapat ay naging mas maingat siya. Kagigising lang niya kasi noon at marahil ay aantok-antok pa nang bumaba sa hagdanan ng kanyang kama kaya sumabit ang kanyang tuhod.

Ang payo niya, “huwag agad babangon at bababa mula sa higaan, mababa man o mataas, dahil madaling mawalan ng balanse at masabit o matumba”. Mag-inat inat daw muna at siguradong gising na ang diwa bago tumayo at nang malayo sa disgrasya. – George Manalansan

Don't Miss