Dumulog siya sa Konsulado at nitong nakaraang buwan ay nagkaharap silang lahat sa opisina ng assistance to nationals section. Dala-dala ni Nene ang sulat ng kamag-anak sa kanyang amo kung saan hinimok ito na paalisin siyang bigla at huwag bigyan ng kabayaran para sa matagal niyang pagseserbisyo.
Binalaan ng opisyal sa assistance to nationals ang kanyang kamag-anak na huwag nang uulit sa mga gawaing hindi makatao. Pinapirma din ang kamag-anak sa isang kasulatan kung saan inamin niya na may utang siya kay Nene, at nangakong magbabayad.
Pero lumipas ang isang buwan na walang natatanggap si Nene ni singkong bayad mula sa kamag-anak. Ang mas masaklap, noong nakaraang linggo ay may tumawag na kolektor sa bahay ng amo kaya bigla siyang pinababa.
Ibinigay ng amo ang kabayaran para sa kanyang 10 taon na paglilingkod, pero walang sinabing dahilan kung bakit pinutol ang kanilang kontrata. – Merly Bunda