Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tiyaga at tiwala, nagbunga

03 January 2018

Pangarap ni Ruth na mapagtapos ng pag aaral ang kanyang mga anak kaya nakipagsapalaran siyang magtrabaho sa ibang bansa Taong 2013 nang siya ay lumisan para magtrabaho sa Hong Kong. Nanilbihan siya sa mag-asawang Intsik na may isang anak, at kasama sa bahay ang ina ng lalaki na biyuda na.

Sanay man sa hirap ay hindi pa rin niya inakala na mas mahirap ang kanyang magiging kapalaran sa piling ng kanyang mga amo, at lalo na sa matandang babae na kasama nila sa bahay. Tutok ang mata nito habang siya ay gumagawa ng gawaing bahay at pinaglalaba siya gamit ang kamay.

Maliban pa sa mahigpit sa paglilinis ang matanda ay pinapatulog rin siya sa ilalim ng mesa na nilatagan lamang ng karton.

Kaya kung sa Pilipinas ay may sarili siyang kuwarto dito ay sa sahig siya natutulog. Hirap man ang kalooban at awa sa sarili ang nararamdaman ay idinadaan na lamang niya sa iyak at dasal ang lahat.

Ayon pa kay Ruth alam ng Diyos ang kanyang paghihirap at pagtitiis, kaya umaasa siya na gagantimpalaan din siya  balang araw. Tiniis niya ang lahat ng hirap at itinuon ang pag-iisip sa kinabukasan ng mga anak. Para makapagtipid ay nagbabaon na lamang ng siya ng pagkain kapag araw ng day off kahit mag isa siyang kumakain sa parke. Ni minsan ay hindi niya inisip na magterminate ng kontrata dahil alam niya na magiging kaw

awa ang kanyang mga anak. Sa kabila nito ay hindi pa rin niya nakalimutan ang magbigay ng ikapu (10% tithe) kaya malakas at matatag ang kanyang kalooban na gagantimpalaan siya ng Diyos. Wala rin siyang sinayang na oras kapag day off dahil nag aaral siya ng ibat ibat kasanayan bilang paghahanda sa pagbabalik niya sa pilipinas.

Dahil sa sakripisyo at tamang pagba budget ay mapapatapos na niya ang kanyang dalawang anak sa kolehiyo sa kurso para sa inhenyero at guro. Siya mismo ay nakapasa rin sa NCII test ng Tesda na ibinibigay sa mga nagtapos ng massage therapy class.

Matapos ang anim na taon na pagtitiis siya ay handa nang mag for good sa darating na taon. Balak niyang magnegosyo sa Pilipinas gamit ang long service na ipinangako ng mga amo. Ayon kay Ruth masaya siya dahil nagawa niyang mapatapos ng pag-aaral ang mga anak, at ngayon ay malapit na niyang makasama muli.

Si Ruth ay tubong Davao at nagtratrabaho sa pamilyang Intsik Tseung Kwan-o. – Ellen Asis

Don't Miss