Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Parttime ang dahilan ng pagpapauwi

03 January 2018

Nagahol na sa oras si Leny 40, Ilokana, sa paghahanap ng malilipatan nang magdesisyon ang amo niya na hindi pumirma sa bagong kontrata, isang linggo bago maubos ang kanyang visa. Hindi siya nakaimik nang ibalik ng amo ang kanyang kontrata na hindi pirmado, at ibigay ang huling suweldo niya, kasama ang tiket pauwi na naka-book na ng Nob. 30.

Sa loob ng isang linggo ay nagkumahog si Leny sa paghahanap ng bagong amo nguini’t siya ay bigo. Sising sisi siya dahil naging kampante siya sa pag-asang pipirma ulit ng kontrata ang kanyang amo.

Ayon sa kwento niya sa isang kaibigan, maaring may nakapagsumbong sa kanyang amo na nagpapa-parttime siya sa isang restoran na pag aari ng isang Briton na ang asawa ay Pinay.

Dahil sa madaliang pag-alis ay marami sa kanyang mga gamit ang naiwan, kabilang ang ilang groceries, damit, at mga samu’t sari. Pagdating sa Pilipinas ay nagpadala siya ng mensahe sa isang kaibigan kung saan sinabi niya na hindi daw pala maganda ang maghangad ng malaking kita sa parttime, kung ang magiging kapalit nito ay ang pirming trabaho na pangmatagalan.

Natatakot si Leny na baka pati ang motorsiklo na hinuhulugan ng kanyang asawa ay mailit dahil wala na silang inaasahang pera. Panay ang pakiusap niya ngayon sa kaibigan na ihanap siya ng employer at nangangako siya na hindi na siya ulit magpa parttime. - George Manalansan

Don't Miss