Nagsalita na ang talent manager na si Rams David ng APT Entertainment, ang nagma-manage sa showbiz career ni Maine Mendoza, upang pasinungalingan ang mga balitang iiwan na niya ang Eat Bulaga, at lilipat na sa ibang TV stations. Wala raw katotohanan ito, dahil nakabalik na sa Eat Bulaga ang 22-yr old phenomenal star sa live telecast ng Eat Bulaga noong January 1, 2018. Sa December 31 nakabalik ito sa Pilipinas mula sa bakasyon niya sa ibang bansa.
Hinggil sa biglaang pagkawala ni Maine sa show matapos niyang ilabas ang saloobin sa kanyang mahabang open letter sa kanyang fans noong November, ang sabi ni David: “Napagod lang si Meng, so humingi siya ng break. Naintindihan naman namin yon, imagine 2 years siyang walang pahinga. Sumabak siya sa mundo ng showbiz na walang ka-alam alam”. Napabalita pang na-suspinde si Maine sa Eat Bulaga kaya matagal siyang hindi napapanood, matapos lumabas ang kanyang isinulat. Pero, sinabi ni Vic Sotto na hindi ito totoo.
Sinabi rin ni David na tuloy pa rin ang gagawing pelikula nina Alden Richards at Maine, pero binago na daw ang concept. Hindi na raw action ang pelikula, at ang gusto raw nila ay maganda talaga ang kuwento, para sa ikasisiya ng mga fans.
Si Maine ay sumikat bilang Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga, at lalo pang sumikat nang itambal kay Alden, at nabuo ang AlDub nation. Una siyang nadiskubre sa pagda-dubsmash o panggagaya niya sa mga celebrities sa You Tube.
MARK ANTHONY, NAKALAYA NA
Pinalaya na noong December 22 ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos ang mahigit isang taong pagkakakulong nito dahil sa droga.
Nahuli si Mark noong October 3, 2016 sa Angeles, Pampanga matapos itong makipaghabulan sa mga pulis at kasuhan dahil sa hindi magandang asal sa check point (Art. 15 of revised penal code), possession, transporting, at testing positive sa droga. Isang kilong marijuana ang nakumpiska mula sa kanyang kotse.
Samantala, binigyan ng sampung oras na reprieve si Bong Revilla upang makasama niya ang kanyang pamilya noong bisperas ng pasko, Dec 24. Masayang nakipagdiwang ng noche Buena ang dating senador sa kanilang bahay sa Bacoor, Cavite, kasama ng kanyang amang si Ramon Revilla, Sr., asawang si Lani Mercado, mga anak, apo, at ilang taga suporta.
BAGONG TV SHOWS NG GMA AT ABS CBN
Kakaibang tema ng mga bagong programa ang handog ng GMA Network para sa 2018. Unang ipinasilip ang mga show sa ipinalabas na The GMA Christmas Special noong Dec. 17:
1) The One That Got Away – Isang sexy romantic comedy series na pangungunahan nina Dennis Trillo, Rhian Ramos, Max Collins, Ivan Dorschner, Migo Adecer at Jason Abalos. Sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes at Mark dela Cruz.
2) Sherlock Jr. – Isang action- drama series na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Ipakikilala rin si Serena, isang mahusay na asong golden retriever. Kasama rin sina Roi Vinzon, Rochelle Pangilinan, Matt Evans, Andre Paras, Sharmaine Arnaiz, Ynna Asistio, at Aiai dela Alas. Special participation si Janine Gutierrez. Sa direksyon ni Rechie del Carmen. Ang TV series na ito ay unang inalok kay Alden Richards, pero hindi natuloy.
3) Contessa – Isang revenge thriller, na pagbibidahan ni Glaiza de Castro, at kasama sina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, at Jak Roberto. Kasama rin sina Lauren Young, Dominic Roco, Leandro Baldemor, Bernadette Allyson. May guest appearance din sina Techie Agbayani at Mark Herras, sa direksyon ni Albert Langitan.
4) Hindi Ko Kayang Iwan Ka- Isang advoca-serye tungkol sa sakit na AIDS, na pangungunahan nina Yasmien Kurdi, Martin del Rosario, Jackie Rice, Mike Tan, Shamaine Buencamino, Charee Pineda, Ina Feleo at Gina Alajar. Sa direksyon ni Neal del Rosario.
Samantala, ipinahayag din ng ABS CBN ang kanilang bagong tv shows para sa taong ito:
1) Pilipinas Got Talent – Sina Billy Crawford at Toni Gonzaga ang mga host ng bagong edisyon ng PGT. Pinalitan ni Toni si Luis Manzano, na original host ng nagdaang ilang taon ng talent show. Tila hindi pa handa si Luis na makasama sa show ang dating kasintahang si Angel Locsin, na muling magbababalik bilang isa sa mga hurado. Ang iba pang hurado ay sina Robin Padilla, Vice Ganda at Freddie Garcia.
2) Bagani – isang action drama series na pangungunahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
3) Sana Dalawa ang Puso
4) Playhouse
Ipapalabas din ang mga popular na Korean drama series na The King is in Love, Black, No Ordinary Love at The Blood Sisters.
Balitang tatapusin na ang matagumpay na action series ni Coco Martin na “Ang Probinsyano”, at papalitan ng isa pang TV version ng sikat na pelikula ni Fernando Poe Jr.
MMFF 2017
Tila bumalik ang sigla ng mga manonood sa pagbalik ng mga pelikulala nina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival sa taong ito. Pinilahan ng mga bata at matanda ang kanilang mga pelikula, at maging ang mga ibang pelikulang kasali ay marami ring nanonood.
Ito ay taliwas sa nakaraang taon kung saan pawang indie films ang ipinalabas, na bagama’t maganda ang intensyon na itaas ang kalidad ng mga pelikulang kalahok, hindi naging maganda ang resulta nito sa takilya.
Sa unang araw ng pagtatanghal noong December 25, nanguna ang Gandarrapido: The Revenger Squad na nakakuha ng 22.52% ng manonood, pangalawa ang Ang Panday (17.44%) at pangatlo ang Meant To Beh ( 14.15%).
Ang ibang pelikulang kalahok ay ang All Of You (13.14%), The Haunted Forest (12.63%), Deadma Walking (7.88%), Ang Larawan