Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Muntik nang mahuling nagpa-parttime

03 January 2018

Si Lenglui  ay isang Ilongga, 38 taong gulang, may asawa at isang anak. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa kanyang among Intsik.

Noong Dis. 3 ng umaga ay sinundo siya sa MTR station ng isang lalaking Intsik na ibinigay ng kanyang kakilala na Pinay din dahil nagpapahanap daw ng maglilinis ng flat. Dinala siya ng lalaki sa flat niya sa Kennedy Town at sinabi lahat kung anong dapat niya gagawin.

Ayon kay Lenglui makalat at magulo ang lahat na gamit sa bahay at mukha yung lalaki lang ang nakatira doon. Pagkahatid sa kanya ay umalis ang lalaki na nagmamadali dahil daw may ka meeting sa almusal.

Pagkatapos ng mga kalahating oras ay nag text yong lalaki sa kanya at sinabing babalik ito dahil may nakalimutan. Pero bago ito nakabalik ay nakita ni Lenglui ang isang ID ng lalaki na nakasabit sa dingding, at doon niya nakita na isang Immigration officer pala iyong lalaki na may ari ng flat.

Natigilan siya sandali dahil sa pagkagulat, pero agad namang natauhan kaya biglang lumabas nang mabilis. Nag text siya sa lalaki para sabihin na alam niyang bawal sa batas ng Hong Kong ang mag sideline, pero nangako naman siya na hindi na uulit.

Pagkatapos ay agad nang binura lahat ni Lenglui ang mga mensahe sa kanyang whatsapp at pinatay ang kanyang cellphone. Sobrang kaba niya dahil baka daw may sumusunod sa kanya o nakuhan siya ng litrato sa CCTV. Halos hindi siya nakakain noong araw na iyon at umuwi na lang ng maaga sa bahay ng amo.

Hinanap niya yong kakilala niya na nagbigay ng trabaho na iyon pero  hindi na niya nakita. Wala na ito sa kanyang boarding house, at pati na rin sa dating tambayan. Noon niya naisip na sadya siyang ipinain ng kanyang kakilala sa mga pulis.

Sabi ni Lenglui, gusto niyang ibahagi ang kanyang kuwento bilang babala sa mga kapwa OFW na huwag basta magtiwala sa iba, lalo na pagdating sa ilegal na trabaho. Huwag na rin daw gumawa ng ilegal at baka mapahamak lang sila. – Merly Bunda

Don't Miss