Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang nataon na Lunes ang Pasko dahil naisip niya na baka pwede na siyang makapag midnight mass dahil Linggo iyon at day off niya. Pagsapit ng Sabado ng gabi ay sinubukan niyang magpaalam sa kanyang amo na kung pwede ay payagan siyang makapagsimba sa Misa de Aguinaldo sa Chater Road noong Dec. 24.
Nguni’t ganoon na lang ang sama ng loob niya nang sabihin ng kanyang amo ang, “Sorry, you cannot, I don’t want you to get in trouble.”
Lubha siyang nalungkot sa tinuran ng amo, na ang sabi ay pwede naman siyang magsimba kinabukasan. Hindi nila naiintindihan na iba ang pakahulugan ng midnight mass sa mga Pilipino.
Sa kabila ng naging desisyon ng amo ay pilit pa ring inunawa ni Elena ang kanilang dahilan. Naisip niya na marami pa namang Pasko ang darating, at matutupad rin ang matagal na niyang pangarap. Si Elena ay isang dalaga na mula sa Bicol at apat na taon na sa kanyang mga amo na Intsik na nakatira sa Midlevels. – Ellen Asis