Walang pagsidlan sa kasiyahan ang isang grupo ng mga batang may kapansanan na nagtipon-tipon sa Sablayan Central School sa Mindoro, kung saan idinaos noong ika-19 ang pamaskong handog ng Filipino Reflexology Hong Kong.
Halos 50 kabataan na may kapansanan at mula sa mahirap na pamilya ang napasaya ng Filreflex sa mga pinamigay nilang regalo na damit,pagkain, laruan at iba pang bagay na hiling ng mga bata bilang pamasko. Karamihan ay humiling ng bagong damit na pinagbigyan naman ng grupo.
Ang mga kabataan habang tumatanggap ng regalo na damit, pagkain, laruan at iba pang bagay mula sa Filreflex. |
Hindi pa man natatapos ang pagtitipon ay nagtatanong na ang mga bata kung babalik ba si Santa Claus sa susunod na Pasko.
Ang sagot naman ng pinuno ng grupo na namigay ng regalo na si Genevy Carillon, babalik si Santa Claus galing ng Hong Kong kung magpapakabait at mag aaral silang mabuti.
Naglundagan sa tuwa ang mga bata sa narinig, at niyakap nang mahigpit ang namahagi ng mga regalo, na panay dating miyembro ng Filreflex na umuwi na sa Pilipinas upang magnegosyo.
Plano ng grupo na magdaos muli ng pamaskong handog sa susunod na taon dahil ayon sa kanila, maghandog uli ng pamasko sa susunod na taon dahil para sa kanila, "sharing is loving".