Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ang laban natin

08 January 2018

Hindi malimit maglabas ang isang pahayagan ng artikulo tungkol sa  kapwa nito pahayagan. Kaya naman mapalad tayo na napansin ang The SUN ng mga mas malalaking kumpanya upang i-feature. Sa issue na ito ay matutunghayan ang isinulat para sa Coconuts Hong Kong, isang internet news service, at para sa South China Morning Post.

Napansin nila ang The SUN dahil sa natatangi nitong pananaw sa kung ano ang papel na dapat gampanan ng isang pahayagan sa lipunan.

At natutuwa kami dahil natutulungan nila kami na maimulat ang mga mata ng mga taga-Hong Kong sa mga isyu na matagal na nating ipinaglalaban.

Halimbawa, marami pa rin ang inaabuso ng kanilang amo—pang-aabuso na may iba’t ibang kalubhaan. Marami pa rin ang naloloko ng mga nangangako ng trabaho sa Canada at iba pang lugar, na sa huli ay lalabas na peke. Marami ang hindi nabibigyan ng katarungan dahil ayaw magreklamo sa takot na mawalan ng trabaho. At ang masakit nito, ang mga salarin ay hindi naparurusahan.

Simula pa noong kami ay itatag noong 1995, nadiskubre na naming hindi sapat ang pagsusulat lamang ng balita at opinyon; kailangan din naming lumabas upang kami rin ay makipagbuno sa mga pagmamalabis sa mga OFW. Hindi namin maiwasan na makiisa sa kanilang laban, dahil maliban sa aming regular na trabahong paghabol ng mga balita, hinahabol din kami ng mga sumbong mula sa mga naaapi. 

Dahil sa dami naming sinuong na laban ng ating mga kapwa Pilipino, kalimitan kaming natatawag na ikalawang konsulado. At kung minsan, nagiging sumbungan pa kami kapag hindi sila nasiyahan sa naging serbisyo sa kanila ng mismong Konsulado.

Kung tinawag kaming tinig ng OFW sa Hong Kong, ito ay dahil sa mga prinsipyong aming pinanghahawakan.

Ngayong pumasok na kami sa ika-23 taong serbisyo sa inyo, pag-iibayuhin namin ang laban para sa Pilipino. Dahil alam naming walang makagagawa nito kundi ang isang pahayagang tunay na Pilipino—itinatag ng Pilipino, pag-aari ng Pilipino at pinapatakbo ng Pilipino.

Ang The SUN.

Sana ay lumawig pa ang ating pagtutulungan,
Don't Miss