Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Stranded sa HK dahil sa Peya

29 December 2017

Isa si Perla, 56 at taga Pampanga, sa nakabili sa palpak na air ticket ng Peya Travel. Halos maiyak siya nang sabihin sa kanya sa check-in counter ng Philippine Airlines na wala ang kanyang pangalan sa listahan ng mga pasahero sa PR313 na paalis ng 7:50 ng umaga noong Dec. 18.

Galit na galit siya dahil noon lang nangyari sa kanya ang ganoon. Ilang buwang paghahanda, pag-iisip, pagba-budget at pagkundisyon sa isip ang pinagdaanan niya sa pag-asang makakauwi at makakapiling ang pamilya sa kapaskuhan. 

Kasama ang ilan pang pasahero ng Peya na ganoon din ang kinabagsakan ay agad silang tumawag sa ahensiya at pinangakuan sila na isasakay sa eroplano na paalis ng 4pm, pero hindi pa kumpirmado. Sumakit ang ulo ni Perla dahil sa dami ng alalahanin, lalo na at hindi siya nakatulog noong nagdaang gabi sa paninigurong walang aberyang mangyayari sa bakasyon niya.

Pati ang mga susundo sana sa kanya sa Maynila ay pinabalik niya sa Pampanga nang malaman na nakaalis na sila at nasa San Simon expressway na. Ayaw na niyang umasa sa pangako ng Peya kaya nagpatulong sa isang kaibigan na residente na i-book na lang siya sa Cebu Pacific papunta ng Clark airport, kahit $5,300 na ang halaga ng return air ticket, at 20 kilos lang ang pwedeng dalhin na bagahe. Nagbayad siya ng dagdag na $300 dahil may excess baggage siya.

Nagbabala siya sa ibang kapwa pasahero na kumpirmahin diretso sa airline kung talagang nakasama sila sa listahan ng pasahero para sa kanilang flight at hindi makaranas ng aberya na katulad ng sinapit niya.

At sa mga travel agency, nakiusap siya na huwag tutulad sa Peya, “maawa naman po kayo sa amin”, ang sabi niya.

Balak ni Perla ngayon na sumali sa mga nagreklamo laban sa Peya pagbalik niya sa Hong Kong, para man lang maibalik ang perang ibinayad niya sa kanila, at kung maari ay pabayad din ang perhuwisyong inabot niya ng dahil sa kanilang kapalpakan.– George Manalansan

Don't Miss