Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Siniraan sa amo para makatakas sa amo

03 December 2017

Sina NheNhe at Sha Marie ay magkaibigan at magkamag-anak na taga-Iloilo. Tuwing Linggo ay palaging magkasama sila, maging sa tinatambayang puwesto. May isa pa silang kamag-anak at ito’y higit na nakatatanda sa kanila. Silang tatlo ang magkakasama at nagdadamayan sa problema.

Minsan ay nagkaproblema ang kanilang kasama sa pera at nakiusap ito kay Nhe Nhe na kung puwede ay gamitin ang kanyang pasaporte para umutang sa isang financing company. Dahil nadala siya sa iyak ng kaibigan, lumambot ang puso ni Nhe Nhe at tumalima. Lahat ng nautang na pera ay ibinigay niya sa kanyang kamag-anak na siyang gumamit ng pera.

Ang akala niya ay hindi magkakaproblema dahil magkadugo silang tatlo. Si Sha Marie ay pinautang din ng nakatatandang kamag-anak sa sa isang maliit na bangko at ito rin ang nagbayad, pero hindi niya ginamit ang pera.

Para makaiwas sa pagbabayad ng utang na nakapangalan kay Nhe Nhe, yung kamag-anak na gumamit ng pera ay sumulat sa amo ni Nhe Nhe at sinabing paalisin ng amo ang kanyang katulong ora mismo dahil ito’y sinungaling, hindi mapagkakatiwalaan, at kumukuha ng sulat na hindi sa kanya. Ang sabi pa sa sulat ay kunwari bigyan ng amo ng long service pay si Nhe Nhe pero palabas lang at papirmahin sa blangkong papel.

Ang amo ni Nhe Nhe ang nakakuha ng sulat sa mailbox at tinanong si Nhe Nhe kung totoo ang lahat ng nakasaad sa sulat. Binalaan siya ng kanyang amo.

Dumulog sina NheNhe at Sha Marie sa assistance to nationals section ng Konsulado dala ang sulat at mga message. Nagsulat din sila ng sariling pahayag at ipinasa iyon sa ATN. Sinulatan ng ATN ang kasama nila at ipinatawag sa konsulado.

Nagkaharap-harap silang tatlo kasama ang ATN officer at sa harap ng huli ay inamin ng inireklamong kamag-anak na siya ang sumulat sa amo ni NheNhe . Doon nagalit ang ATN officer at sinabihan ang gumamit ng pera: “Ikaw na ang tinulungan, ikaw pa ang sumulat sa kanyang amo para ipa-terminate siya at tinuruan mo pa yung kanyang amo kung ano ang gagawin. Makatao ba yung ginawa mo?”

Sinabihan pa ng officer na sa susunod na gawin niya ulit iyon, ang Konsulado na mismo ang gagawa ng aksiyon laban sa kaniya.

Gumawa ng kasulatan na magbabayad itong gumamit ng pera buwan-buwan kay Nhe Nhe at doon niya mismo sa opisina ng ATN officer ibibigay para makatitiyak na tutuparin niya ang kanyang obligasyon sa bangko. -- Merly T. Bunda

Don't Miss