Nakakuha ng amo si Linda na taga New Territories samantalang sa Mid-Levels naman napunta si Ella. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita muli dahil parehong naging abala sa trabaho.
Dahil ganoon lang lang ang saya nila nang aksidenteng magkita ay napalakas ang kanilang usapan sa tren, dahilan upang mairita ang isang matandang babae na katabi nila.
Pinagsabihan ang dalawa na dahan dahan sa paggalaw at hinaan ang boses dahil nakakasagi sila at nakakagambala sa ibang pasahero. Sa halip na sundin ang sinabi ng kapwa pasahero ay sumagot si Ella ng, “This is a public place at masaya ako”.
Dahil sa tinuran ni Ellen ay nagsalita bigla ang matanda sa Tagalog at sinabi na hindi lamang siya ang ang tao sa mundo at porke ba nasa pampublikong lugar ay maaari nang gawin ni Ella ang gusto na magsalita ng malakas. Dapat din daw niyang isipin ang mga taong nakapaligid, matuto na umakto nang tama at hindi nakakasagabal sa iba.
Biglang natahimik ang magkaibigan dahil hindi nila akalain na Pilipino pala ang katabi. Nahihiyang humingi sila ng dispensa dito. Tinanggap naman ng matanda ang paumanhin, at bago ito bumaba ay pinagsabihan ang magkaibigan na maging halimbawa ng kagandahang asal sa kapwa at huwag nang dumagdag pa sa bilang ng mga Pilipinang pasaway dito sa Hong Kong.
Si Linda ay dalaga at tubong Bacolod samantalang si Ella ay laking Maynila na buhat sa Cebu. – Ellen Asis