Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pamilyang pasaway

03 December 2017

Hirap na hirap pakibagayan ni Lana ang among ubod nang sungit.

Ayon kay Lana, 28 at taga Cotabato, bihira siyang imikin ng amo. “Batiin mo sa umaga hindi ka sasagutin, tatanungin mo kung mag hahapunan dito, di ka sasagutin,” reklamo niya. Tapos, kahit alam nitong sa umaga siya namamalengke ay tatawag bandang alas singko ng hapon para sabihing kakain ito sa bahay at sasabihin ang “Gusto ko ganito, meron ba tayong ganyan?”.

Pati ang anak daw nito ay mahirap kausapin. Kapag tinanong niya ng “What time you will leave tomorrow morning?” ang isasagot ay, “Ah tell you later”.

Matutulog daw siya ng walang naririnig mula dito, pero paggising kinabukasan bandang alas siyete ng umaga ay mababasa sa whatsapp ang: “I will leave 7: 15, wake me up 7: 00”.

Biglang “amazing race” daw siya para makapaghanda ng kakainin nito, kasi kahit egg sandwich ay kailangan din ng limang minutong paghahanda.

Pati ang amo niyang lalaki ay pasaway din daw.

Minsan ay may nakita daw itong langgam sa kanyang tray, at agad daw siyang tinitigan nang matagal na parang inutusan niya ang insekto na lumakad papunta doon. Sinabihan daw siya na hanapin kung saan nanggaling ang langgam, at ibabad ang tray na nilakaran nito. Nang hugasan naman daw niya ang tray sa mainit na tubig ay agad nitong sinabi na patayin agad ang hot water para hindi masayang.

May mga pagkakataon din daw na sasabihin nito na sa labas sila kakain, pero pagdating ng hapunan ay biglang darating at magtatanong kung may pagkain ba daw sila.

Kahit inis na inis na ay pilit pa ring nagtitiis ni Lana dahil may mga anak pa siyang pinag-aaral sa kolehiyo. – George Manalansan

Don't Miss