Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pagyamanin ang inyong abilidad, ani DCG Deric sa mga OFW

20 December 2017

Ang mga nagtapos.


Ni Marites Palma

Ipinagdiwang ng Diwa’t Kabayan BenLife Society Club ang kanilang ika-18 taong anibersaryo, kasabay ang ika-anim na pagtatapos ng mga sumali sa kanilang mga kursong pangkabuhayan, noong ika-26 ng Nob. sa Dynasty Feast sa North Point.

Ang pinaka tema ng kanilang selebrasyon sa taong ito ay “Ang diwa ng edukasyon, tungo sa paghanda sa kinabukasan”.

Deputy Consul General
Roderico C. Atienza
Ang panauhing pandangal na si Deputy Consul General Roderico C. Atienza ay humikayat sa lahat na pagyamanin ang kanilang abilidad upang hindi na mangibang bansa pang muli, lalo na ang mga kababaihang Pilipina. Kailangan din daw nila ng ibayong pagtitipid para makapagpundar ng makinang pangkabuhayan at nang sa gayon ay hindi na aalis pa ng bansa ang mga susunod na henerasyon ng mga kababaihan na mga anak, kapatid, asawa at ina.

Ayon pa kay Atienza, umaabot sa napakamaliit na 10% lang ng mga Pilipino ang nag-iimpok ng pera sa bangko, samantalang sa Japan ay umaabot sa 38% ang nag-iipon para sa negosyo at edukasyon, patunay kung gaano kahalaga ang pera sa kanila.

Sa mga gustong mag-umpisa ng negosyo, depende daw ito sa pangangailangan ng komunidad na kinaroroonan.

Kinumbinsi ni Atienza ang mga OFW na subukang mag-ipon para sa tinatawag na “capital machinery”, o mga makinang panggawa. Gayahin daw ang mga mayayamang bansa tulad ng Japan, Korea at Taiwan kung saan nangongontrata muna ang mga pamilya ng mga trabaho, hanggang makapagpatayo na sila ng kanilang sariling negosyo. Sa pamamagitan daw ng kooperatiba ay maaring makuha ang kaukulang makina na ayon sa iyong negosyo.

Nanawagan din si Atienza na huwag pumayag ang mga manggagawa na kaltasan ang kanilang sahod ng lampas sa itinakda sa batas, at mag-report agad sa POLO, HK Immigration at Labor Department kung may pang-aabusong nakikita laban sa kapwa.

Sa ganitong pamamaraan ay hindi mararamdaman ng naabuso na nag-iisa siyang nakikipaglaban sa amo.

Ang  huling pakiusap ni Atienza ay ang ipagbigay alam nila sa ibang mga kababayan ang paglipat ng POLO-OWWA office sa A16th & 18th Floors, MassMutual Tower, 33 Lockhart Road, Wanchai mula sa ika-10 ng Disyembre.

Umabot sa 70 na kababaihan ang nagtapos sa meat processing ng Diwa’t Kabayan. Pinarangalan ang mga sumusunod sa husay ng kanilang paggawa:
Best in Tinapa Making: Jocelyn Cuaresma
Best in Salted Egg Making: Rubilyn Alfonso
Best in Tocino: Adelaida Garcia
Best in Skinless Longaniza: Jocelyn Cuaresma
Best in Longaniza with Casing: Jovita Duzon
Best in Sardine in Oil: Jocelyn Cuaresma
Best in Sardines in Tomato Sauce: Adelaida Garcia
Best in Fruit Cocktain: Jocelyn Cuaresma and Rubilyn Alfonso

Sa pangalawang grupo ng mga nagtapos, nanguna si Vilma Ibanez. Sa Fashion Jewellery naman, sina Lourdes Duzong  at si Imelda Cariaga ang itinanghal na “outstanding”, at nakuha din ni Cariaga ang creative award.

Sampu naman ang nagtapos sa beadcrafting lesson at ang outstanding ay si Virgin May Yungco.

Sa macrame bag lesson ay 15 ang nagtapos, at si Jocelyn T. Nieva ang outstanding, at nakatanggap ng most creative award; samantalang si Karen B. Dumaguing naman ang nakatanggap ng most artistic award.

Para sa ribbon folding, ang outstanding ay si Mylene Diaz, at natanggap din niya ang best in bridal bouquet at best in motif. Si Ruby Deamboy naman ang nakatanggap ng best in flower girl bouquet award.

Sa stocking flower lesson ay may 15 na nagtapos, at ang outstanding ay si Jocelyn Nieva, na natanggap din ang best in teardrop bouquet, samatantalang si Ruth Salibomba naman para sa bridal bouquet. Ang premyo para sa best in hand tie bouquet-maid of honor bouquet ay nakuha nina Imelda Cariaga at Jocelyn Nieva; samantalang ang para sa best in pomander bouquet-bride maid bouquet ay natanggap nina Jocelyn Nieva at Ruth Saligomba. Nakuha din ni Saligomba ang most creative award.

Ang pinakamalaking grupo ay ang sumali sa basic baking, na umabot sa 103 ang bilang ng nagtapos. Nanguna sa kanila si Ruth Saligomba, na tinanghal na outsdtanding. Ang premyo para sa best in pandesal ay natanggap ni Beatriz Villanueva; ang best in spanish bread ay kay Ruth Saligomba; best in pizza, Estrella Pineda; best in donut, Ruth Saligomba; at best in brownies, Jennifer Panganiban.

Para sa 2nd batch ng bread presentation,  si Myrna Gonzales ang outstanding, at nakuha din niya ang nest in pandesal making, best in spanish bread making,  best in pizza making at best in donut; samantalang si Carmelita Ober naman ang nakakuha sa best in brownies.

Nagdagdag kasiyahan ang pagbibigay ng isang maikling sayaw nina Katherine de Guzman ng PNB, Merlinda Mercado ng Metro Bank, at Rosabelle Wolf ng Afreight, na kilala sa bansag na “Mars”.

Don't Miss