Ininit niya ang lemon na iinumin niya sana sa umaga, pero nakatulog siya at nakalimutan ang nakasalaang sa kalan. Sunog hindi lang ang lemon, kundi pati ang takure, at posibleng kumalat pa ang apoy.
Siya namang paglabas ng alaga niyang dalaga, sabay sabi ng “You fell asleep last night and forgot to turn off the gas, didn’t you? Fortunately I went to the kitchen to drink.”
Walang nasabi ang nanlulumong si Adel kundi, “I’m sorry.”
Wala ang mga amo niya noong araw na iyon dahil namamasyal sa Japan, at kinabukasan pa ng gabi ang dating. Nang makabalik na sa bahay ang mga amo ay pinakain muna sila ni Adel at nagligpit sa kusina.
Dahil alumpihit siya at ikot ng ikot sa sala, naalibadbaran ang among lalaki at tinanong siya ng, “Adel why you look so worried, anything bothering you? Can we help?” Naisip ni Adel na hindi pa siya sinumbong ng alaga, kaya agad na sinabi ang, “Sir, Sir I’m sorry for my negligence…it is a big mistake. I left the stove on unattended and fell asleep, the other night, please forgive me. Fortunately “mui mui” was around, saw it and turned it off for me.”
Biglang natigilan ang amo, bago sinabing, “It’s okay, we understand, we forget things too." Pero bigla nitong sinundan ng, “You know, if this happened in a village of Chinese families, they will expel you for three years.”
Mula noon ay ayaw nang magluto ni Adel ng hiwalay para sa kanyang pagkain kapag mag-isa lang siya sa bahay, Nag steam na lang siya ng ulam, sabay sa sinaing sa rice cooker para siguradong hindi maulit ang nangyari. Laking pasalamat din niya na hindi siya nakasunog ng bahay. – George Manalansan