Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kumusta na?

17 December 2017

“Uuwi na yata ako ate, ilang buwan ko pa lang dito pero nahihirapan na ako.” Ito ang naging kasagutan ni Lorna nang kumustahin ng kapwa niya kunyang na noon lang niya nakita, at nakasabay lang sa paglalakad.

Malungkot kasi ang mukha ni Lorna sa araw na iyon kaya kinumusta siya ni ateng. Sa sinabing iyon ni Lorna ay naikwento ni ateng na mayroong mga OFW na mas malala pa ang sitwasyon sa kanya ngunit nagtitiis dahil alam na marami sa mga Pilipino ang nangangarap na sa Hong Kong makapagtrabaho. Iniisip daw nila na kapag uuwi sila ay wala naman silang mapapasukang trabaho na ang suweldo ay mahigit sa beinte mil (Php20,000) sa isang buwan.

Napag-isip isip si Lorna sa tinuran ni ateng, bago ngumiti, sabay sabi ng “Pinapatibay mo ang loob ko ate”.

Pagkaraan lang ng ilang araw ay nagkalubong muli ang dalawa sa daan, at kitang-kita sa mukha ni Lorna ang saya dahil sinunod daw niya ang pangaral ni ateng na dapat ay kausapin ang amo kung mayroon siyang hindi naiintidihan sa mga sinasabi sa kanya.

Dahil dito ay naging masiyahin na siya. Paggising daw ng mga amo sa umaga ay nag gu good morning siya sa kanila, at good night naman bago sila matulog. Higit sa lahat ay nakukuha na niyang alukin sila ng maiinom kapag dumadating sila galing sa trabaho, gaya ng tsaa o kape.

Iyun lang at mukhang nakuha na niya ang kiliti ng mga amo, kaya malamang daw na tatagal din siya sa Hong Kong katulad ni ateng na naka ilang dekada na dito. Naisip ni ateng na may malaki din palang epekto ang pagbati sa mga nakikita na malungkot, dahil ang kaunting pagpapakita ng malasakit ay malaki ang nadudulot na ginhawa, lalo sa mga bagong dating na OFW. S

i Lorna ay 28 taong gulang, dalaga at mula sa kabisayaan. Namamasukan siya ngayon sa mga among taga Shatin. – Marites Palma

Don't Miss