Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kakaiba ang mga OFW na dumadalo sa pagsasanay

06 December 2017

Ni George Manalansan

Ang kakaibang katangian ng mahigit 200 na nagtapos ng pagsasanay na isinagawa ng CARD Hong Kong Foundation ang naging sentro ng talumpati ni Vice Consul Robert Quintin sa pagtitipon na isinagawa noong Nob. 26 sa Duke of Windsor Social Service Building sa Wanchai.

“Graduates, ang inyong commitment sa pagaaral ng financial literary at entrepre-neurship  ay napakahalaga. Malaking bagay ang  tinapos ninyo; naiiba kayo kumpara sa mga nakaupo at nakasalampak lang maghapon sa Central at iba pang pasyalan,” ang sabi ni Vice Consul Quintin.
Sabay-sabay ang mga naroon sa pag-awit ng “If We Hold on Together”.

“Kami sa Konsulado ay naniniwala at sumusuporta sa ginagawa ng Card,” dagdag pa niya.

Umaasa daw siya na dadami pa ang makikilahok sa programa ng Card dahil lubos na mahalaga na alam ng mga migranteng manggagawa ang kahalagahan ng paggastos sa perang pinaghirapan nila.

“Gusto kong makita na makakapuno tayo ng stadium sa hinaharap,” sabi pa niya.

Gaya ng nakagawian, hiniling ng marami na bigyan sila ng awit ni VC Bob, na isang dating propesyunal na mang-aawit, at hindi naman sila nabigo. Kinanta nito ang “I’ll Be Here” ni Steven Curtis Chapman.

Samantala, ang mga bisita mula sa Card Philippines ay nag-ulat ng mga pagbabago sa teknolohiya na pinakikina-bangan na ngayon ng mga miyembro at kanilang mga  kapamilya sa Pilipinas. Kabilang dito ang konek2card remittance by phone, na lubos na nagpaalwan sa mga miyembro. Ibinalita din nila na dumami na ang mga center, at ang bilang ng gumagamit ng serbisyo ng Card mula sa sa mga nagsipagtapos ng fin-lit training.

Hindi naman pagsidlan sa kasiyahan ang mga nagtapos, na ang bawat batch ay nagkaroon ng isang kinatawan para magbigay ng testimonya sa kanilang natutunan, kung paano nila ito dapat gamitin, at gaano kalagi ang epekto ng kanilang pinag aralan.

Halos nagkakaisa ang lahat sa pagsasabi na ngayon ay mas maalam na sila sa paghawak ng kanilang kita, at tahasang sinabi ng marami na gusto nilang maging “boss” ng kanilang sariling negosyo sa balang araw.

Nasiguradong maayos ang pagtatapos sa pagtutulungan ng mga trainor, na sinubaybayan naman ng Card HK chair na si Clara Baybay at ng board of directors.

Natapos ang pagtitipon sa sabay-sabay na pag-awit ng lahat ng “If We Hold on Together” at ng walang kamatayang kuhanan ng mga litrato.

Magkakaroon na naman ng libreng financial literacy training ng Card HK sa Jan. 2, 2018. Para makasali o sa mga tanong, tumawag lang sa numero bilang  9529 6392/ 5423 8196.

Don't Miss