Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hakot basura, isinagawa

07 December 2017

Ilan sa mga sumali sa kilusang pinangunahan ng BSK.
Kapansin-pansin ang mga nagkalat na basura sa mga kalsada, tulay, lagusan, hardin at iba pang pampublikong lugar sa Central at Admiralty tuwing araw ng Linggo, na siyang karaniwang araw ng pahinga ng mga manggagawang Pilipino.

Dahil dito, ang mga miyembro ng Balikatan sa Kaunlaran (BSK) Hong Kong Council ay nagkasundong mamulot ng basura noong Nob. 5 sa paligid ng tulay sa Admiralty kung saan sila regular na tumatambay tuwing Linggo. Hangad nila na maipakita sa mga kababayan ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kalinisan at kagandahan ng siyudad na kanilang pinaglilingkuran.

Ayon kay Edyl Ganado, isang aktibong miyembro ng BSK at isa  sa mga nagboluntaryong mamulot ng basura, labis ang kanyang pagkadismaya sa nakikitang kalat sa paligid, at pati na sa suka sa may tulay, na marahil ay gawa ng isang nalasing na OFW.

Sana daw, kung paano nila linisin ang bahay ng mga amo nila ay ganoon din ang gawin nila sa tambayan nila. Dahil sa nagkalat na basura ay nasisira diumano ang imahe ng lahat ng mga Pilipinong migrante sa Hong Kong.

Ayon naman kay Emerita Yochengco, iba talaga kung walang disiplina ang iba dahil damay ang marami. Nakakalungkot at nakakahiya daw.

May nagsabi din na sana ay matutong maglinis at magtapon ng basura ang lahat ng mga migrante dahil baka dumating ang araw na pagbawalan na silang tumambay sa mga lugar na pwede pang tambayan sa araw ng pahinga.

 Ayon sa lider ng BSK na si Ching Baltazar, madalas daw ginagawa ng kanyang grupo ang pamumulot ng basura sa tulay. Ginagawa daw nila ito para mawala ang paniniwala ng ilang Intsik na makalat at hindi marunong maglinis ang mga Pilipino sa Hong Kong.

“Hindi rin natin sila masisisi kung ganoon ang tingin nila sa atin, kasi damay ang lahat sa  mga hindi magandang ginagawa ng iba,” sabi ni Baltazar. “Sinusubukan kong ipaalala sa ibang grupo na itapon yung basura nila, at may nakakaunawa naman, pero iyong iba ay nagagalit”.

Pinapaalala din ng grupo may ordinansa na nagbabawal ng pagkakalat, pagdura, at pagpaskil ng mga poster ng walang pahintulot. May karampatang multa na $1,5000 ang sinumang mahuli na lumalabag sa batas na ito. – Cecil Eduarte

Don't Miss