Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Fashion ang gustong negosyo dahil sa hilig

20 December 2017

Ni Cecil Eduarte

“Kahit may edad na ako, gusto kong matupad ang goal ko na  maging boss ng sarili kong negosyo na isang ‘fashion boutique’. I am certain na ito ang gusto kong negosyo kasi I love fashion at tumbok nito ang skills na meron ako”.

Ito ang mga katagang sinabi ni Nimfa Isidro, 63 taong gulang, tubong Antique at 33 years nang nagtatrabaho sa Hong kong, sa kanyang testimonyal sa pagtatapos ng mga huling nagsanay sa CARD HK Foundation na ginanap noong Nob. 26 sa Duke of Windsor Auditorium.

Si Nimfa Isidro kasama si Vice Consul Bob Quintin at Fr. Jim Mulroney ng Sunday Examiner. Isa si Isidro sa mahigit na 200 migrante na nagtapos ng pagsasanay na isinagawa ng CARD .


Ayon kay Isidro, marami siyang natutunan mula sa financial literacy, o pagsasanay para sa tamang paggastos at paggamit ng kita buwan-buwan. Kabilang na dito ang kahalagahan ng pagsusulat ng goal o pakay, para hindi ito malimutan, kundi ay matuon dito lagi ang atensyon, at pati na rin sa pagbaba-budget at pag-iimpok.

Mas lalo pa daw siyang ginanahan nang makasali siya sa libreng entrepreneurship seminar o pagsasanay para sa mga balak mag-negosyo, na isinagawa din ng CARD noong Sep. 3. Dito daw sya natutong gumawa ng business plan, na pwede nyang gamitin sa kanyang planong pagnenesyo.

Nagpapasalamat daw sya sa programa ng CARD dahil nadagdagan ang kanyang kaalaman at positibong pananaw sa buhay. Dahil dito ay lalo daw siyang magpupursigi na isakatuparan ang kanyang pinapangarap na negosyo.

Sa ngayon aniya, mga kaibigan ko at dati kong amo ang ginagawan ko muna ng damit at gown para sa mga espesyal na okasyon.

Kahit may mga trabaho na ang kanyang dalawang anak ay ayaw pa din niyang umasa sa kanila para sa kanyang mga gastusin dahil  may mga sariling pamilya na sila na sinusuportahan.

Payo niya sa mga kapwa migrante, dagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga libreng pagsasanay na isinasagawa ng ilang mga grupo sa Hong Kong katulad ng CARD. Sa gayon, kung sakaling bigla silang mawalan ng trabaho sa Hong Kong ay may magagamit na silang kaalaman upang makapag-umpisa ng sarili nilang negosyo sa Pilipinas.

Magkakaroon ulit ng libreng financial literacy training ang CARD HK sa Jan. 2 sa susunod na taon. Para sa mga gustong sumali, tumawag lamang sa numero bilang 54238196 o 95296392

Don't Miss