Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

BSK nagdiwang ng ika-23 taon

07 December 2017

Ni George Manalansan

Muli ay ipinagdiwang ng Balikatan sa Kaunlaran (BSK) Hong Kong Council ang anibersaryo ng kanilang pagkakatatag 23 taon na ang nakalilipas sa MV Star Pisces na nakadaong sa Ocean Terminal sa Tsim Sha Tsui noong Nob. 12.

Isinabay na rin nila ang pamamahagi ng katibayan sa mga nagtapos ng kanilang mga pagsasanay para pangkabuhayan.

Naging panauhing pandangal si Vice Consul Bob Quintin na nagbigay pugay sa 23 taong pagsisilbi ng BSK sa mga OFW sa Hong Kong, lalo na sa patuloy nilang pagbibigay ng pagsasanay para sa mga gustong magkaroon ng dagdag-kaalaman.

Pinasaya ni VC Bob ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagkanta ng “I Will be There”.


Ang mga tumanggap ng katibayan ng pagtatapos ay nagsanay sa paggawa ng macrame bag, ribbon folding, balloon twisting, at mga pagkain katulad ng tocino, longganiza, maalat na itlog,  tinapa at embutido.

Sumayaw ng lambada ang Card and Friends, na pinabalik ng marami dahil nagustuhan ang kanilang pagtatanghal. May ilan pang grupo na nagsayaw din, kabilang ang Maddelanians Enrile HK workers Association na nagpakita ng galing sa cha-cha. 

Masayang nagsalo-salo sa masaganang handa ang grupo at kanilang mga panauhin na mula sa iba-ibang kumpanya sa Hong Kong katulad ng Metrobank, PNB, Peya Travel, at iba pa.

Don't Miss