Pinayuhan siya ng isang kaibigan na ireklamo niya sa ATN sa Konsulado o sa pulis ang umiipit ng kanyang card pero natakot si Jenny dahil baka makarating ito sa kanyang amo. Doon kasi inililipat ng kanyang amo ang kanyang sahod at pati na ang pang grocery nila sa bahay.
Ang ginawa niya ay binalaan ang pinagsanlaan na kapag hindi ibinalik ang kanyang ATM card ay ire-report na siya sa Konsulado.
Hindi naman natinag ang matapang na nagpapautang, at sinabi pa niya na hindi siya natatakot kahit saan man daw sila makarating. Muli ay minabuti ni Jenny na pakiusapan na lamang ito dahil kailangan na niyang makuha ang card, at baka pati yung susunod niyang sahod ay makuha.
Marami pang pakiusap ang ginawa ni Jenny bago ipinaabot ng pinagsanlaan ang card sa ibang tao.
Noong i-check ni Jenny ang balance sa account niya ay nakita niyang said ang laman nito, kahit dapat ay may $800 pang natira doon. Pinabayaan na lamang ni Jenny ang bale pagnanakaw na ginawa ng pinagsanlaan niya.
Gayunman, abot-abot ang paalala niya sa iba na iwasan ang pagsasanla ng ATM card dahil mas malaking problema ang maaring harapin nila ng dahil dito.
Si Jenny ay may asawa at mga anak na nagmula sa Caayan Valley, at kasalukuyang naninilbihan sa mga Western family sa Sai Kung. – Marites Palma