Bihira itong kumain sa labas at hindi naghahanda sa bahay kaya walang dumadalaw na kapamilya o kaibigan sa kanilang bahay. Hindi rin ito nagsasayang ng pagkain dahil minsan na nagbakasyon ito sa Japan ay inuwi pa ang isang pirasong karne na halos isang kagat na lang ang natitira para kainin sa bahay.
Naitanong tuloy ni Lina sa mga kaibigan kung talaga bang sobrang mahal ng karne sa Japan at pati yung katiting na karne ay inuwi pa ng amo. Natatawang sinabihan naman siya ng mga kaibigan na huwag nang papansinin ang amo dahil natural na ugali na ng Intsik ang pagiging matipid kaya sila yumayaman.
Sa ngayon ay nasa pangatlong kontrata na si Liza sa kanyang mga amo pero parehong pagkain pa rin ang niluluto niya araw-araw dahil ayon sa kanila, “they want it simple”. Dahil sa ugaling ito ng mga amo ay nagka ideya si si Liza na gumaya para makaipon.
Iniwasan na niya ang pagbili ng kung ano-ano na tigbebente sa daan. Kapag araw ng kanyang pahinga ay binibili na lang niya kung ano ang kanyang kailangan. Dahil dito ay paunti-unti siyang nakaipon at plano nang mag for good pagkatapos ng kanyang kontrata sa 2019.
Ang kanyang mga amo na super tipid ay super inspirasyon na nya sa pag iipon para umalwan ang kanyang buhay pagdating ng panahon.Si Lina ay tubong Bikol, dalaga at kasalukuyang naninilbihan sa mga amo sa Mid-Levels. – Ellen Almacin