Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Sariling kilos

07 November 2017

Ni Ate Kulit

Kung nagbabasa ka ng The SUN, sigurado kami na mas maraming pangyayari ang hindi namin naisusulat kesa doon sa aming naiuulat. Kalimitan, ito ay dahil hindi sila pang-balita, o kaya ay pinipigilan lang namin ang pagbubuhat ng sariling bangko.

Isa na rito ang isang mala-bayanihang pagkilos ng mga OFW sa Hong Kong na nasaksihan namin kamakailan.

Nagsimula ito nang makatanggap ng message mula sa isang mambabasa ang Facebook page ng The SUN na himingi ng tulong para sa kaibigan nitong dinala ng amo sa Tuen Mun Hospital at hindi na binalikan.

Ugali na ng editor naming si ate Daisy Mandap na i-refer ang mga kasong ganito sa mga kinauukulan. Pero sa pag-check niya kung ano na ang nangyari kinabukasan, wala siyang nakuhang sagot. Na hindi kataka taka dahil malayo ang Tuen Mun sa Central.

Kasya tinawagan niya si Merle Terne Bunda, isang Ilongga na kilala sa kawang-gawa, upang tanungin kung may kalilala siyang nakatira sa Tuen Mun. Nag-post tungkol dito si Merle sa Facebook, kung saan mayroon siyang mahigit 4,000 na  “friends”. Agad namang nag-volunteer si Jeje Padilla Vergara. Maya-maya pa ay nagre-report na ito: Nagpapaabot daw ang pasyente ng pasasalamat, dahil may pasalubong pa siyang natanggap, gaya ng sitsirya at mga gamit. Nag-pilit si Ate Daisy na ibalik ang nagastos ni Jeje, pero ang sagot nito: Ayos lang, basta maka-selfie niya si Ate Daisy.

Ilan pa ang dumalaw din.

Para sa isang naospital, mabigat ang pakiramdam na ikaw ay nag-iisa, lalo pa’t ikaw ay dalawang buwan pa lang sa Hong Kong na gaya ng pasyenteng nabanggit. Ang pagdalaw ng kapwa Pilipina ay malaking ginhawa mula sa takot, lungkot at pangungulila.

Maliit na bagay ito para sa marami, pero kung ganito ang mangyayari sa bawa’t may pangangailangan, hindi na ito basta-basta. Ang tulungan sa araw-araw ng mga Pilipino sa Hong Kong at sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagbubuklod sa atin bilang isang lahi.

Darami pa ang ganitong pagtutulungang kung ang bawa’t isa sa atin ay magiging Merle at Jeje at Ate Daisy para sa nagangailangan hindi lang ng tulong, kundi aruga ng isang kababayan saan man sila naroroon.

Don't Miss