Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Sabit na makulit

01 November 2017

Isa si Andy 48, Ilocano, sa mga drayber na hati ang tuwa at inis sa pamilyang Intsik na kanilang pinagsisilbihan. Lagi nitong sinasambit sa sarili na kung bakit sa dinami -dami ng mga employer sa Hong Kong ay ito pang maraming sabit na kapamilya ang natiyempuam niya.

Lagi daw kasing kaladkad ng mag-asawang amo ang kani-kanilang mga pamilya. Sa amo niyang lalaki ang laging nakabuntot ay ang ina at “kuche” nito o tiya. Sa babae naman ay ang mga ama’t ina nito.

Sa unang taon ni Andy sa amo ay laging nagbibiyahe ang mga ito, at madalas ay isa hanggang dalawang linggong wala sa Hong Kong. Laking ginhawa sana ito kay Andy dahil kahit may anak na dalaga na naiwan ang mag-asawa ay hindi naman ito ganoon ka-istrikto.

Ang kaso, kung minsan na relaxed na relaxed na siya dahil alam niyang wala siyang lakad ay biglang tatawag ang tatay ng among babae at magpapahatid sa doktor. “E di hinatid ko nga, aba e pinaghintay pa ako,”sabi ni Andy. Pagkatapos sa doktor, dadagdagan pa nito ng “Mkoy, hoy kaysi maysung” na ang ang ibig sabihin ay dadaan daw ito ng palengke.

Dagdag ni Andy, “Kung ikaw matutuwa ka ba? Aba, parang nakabili ng drayber. Hay naku, ubos ang kalahating araw, tapos aabutan ka lang ng $20, pambili daw ng Coke”.

Kinabukasan si kuchie naman ang nagsabi daw ng, “Andy sinabi ko na sa amo mong babae. Magpintura ka sa amin habang wala sila, libre ka naman,” sabi daw nito. Dito na nagpanting ang tenga ni Andy, at sinagot daw niya ito ng  “No, no, if you want I will take my day off, I will not paint..sorry.”

Dagdag pa niya, mas masahol pa ang nagiging sitwasyon niya kung wala ang mga amo dahil sa dami ng gustong ipagawa ng mga sabit. – George Manalansan

Don't Miss