Agad namang sumunod si Peter, at talagang pinag-igihan ang pagpupunas hindi lang sa mga cabinet, kundi pati sa mga alak din. Akmang ibabalik na niya ang mga bote nang makita niyang galit na galit si Kulas dahil sa nagkatuklap-tuklap at nasira ang label ng karamihan sa mga iniigatan nitong bote.
Dismayado naman si Peter dahil ingat na ingat pa naman daw siya sa paglilinis sa mga iyon. Sa edad kong 35 kasi ay ngayon lang ako nakahawag ng ganoon karaming mga bote ng alak, aniya.
Habang hinahaplos ni Kulas ang mga nasirang label ay sinabihan niya si Peter ng, “Next time if you cannot do it well, do not do it!” Napalunok muna si Peter bago nasabi ang “I’m sorry, Sir”.
Nasa puntong puro palatak ang namumutawi sa bibig ni Kulas nang dumating ang anak nitong dalaga na isang clinical psychologist. Sa mahinahong tinig ay sinabi nito sa ama na ginawa ni Peter ang kanyang makakaya, at hindi nito sinasadya ang pagkasira ng label sa mga alak.
Agad namang huminahon si Kulas. Laking pasasalamat naman ni Peter sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng alaga, kahit na hiyang hiya siya sa nagawa.
Kahit pala Manilenyo siya ay marami pa rin siyang hindi alam sa buhay ng mga taga alta sosyedad– George Manalansan