Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Muntik nang madisgrasya

30 November 2017

Hindi malimutan ni Nena, 30 at Bulakenya, ang naging karanasan niya nang isama siya ng kanyang amo sa kanilang yate sa Marina Cove sa Saikung.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog siya sa butas na daanan pababa sa makina ng yate. Mabuti na lang ay naisangga niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang panig ng sahig, kung hindi ay bumagsak siya sa susunod na palapag kung saan naroon ang makina ng yate.

Mga siyam na talampakan din ang lalim nito mula sa itaas.

Ani Nena, “habol-habol ko ang aking hininga at nanlalambot ako nang saklolohan ni amo.” 

Pinaghanda kasi siya ng pagkain at inumin na babaunin sa magdamag na paglalayag kaya nandoon siya sa yate noong araw na iyon.

Dahil sa nangyari ay sumakit ang magkabilang bisig ni Nena dahil ginawa niyang pantungkod ang mga ito para hindi siya mahulog. Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil hindi siya nabalian ng buto, o nagalusan man.

Ang payo niya sa kapwa niya migranteng manggagawa ay palaging mag-ingat. “Malayo tayo sa pamilya natin, mahirap magka problema dito,” sabi niya. – George Manalansan

Don't Miss