Bagamat kasagsagan ng signal no 8 na bagyo noong Oct. 15, nakuha pa ring magtipon-tipon ang mga miyembro ng Filipino Workers Livelihood Association sa Admiralty Bridge noong Oct 15 para ipagpatuloy ang pagtatanghal ng kanilang mga gawang pangkabuhayan.
Umabot sa 19 ang mga estudyante ang nagpakita ng kanilang kahusayan sa paglikha gamit ang beads, ribbon, macramé para sa bag, nylon stocking para sa bulaklak
Fiipino workers livelihood association members display the products of their training seminar they completed recently. |
Ang may pinakamataas na kinikita sa pamamagitan ng Facebook post nya ay si Sarojia Murigiah, isang Indian na nakatira sa Cheung Chau.
Dagdag pa ni Villaruz may dalawa na silang umuwi na sa Pilipinas at naging maunlad ang kanilang itinayong negosyo mula sa kanilang natutunan sa asosasyon. Ito ay sina Merle A. Tambalque ng Palawan at si Mary Ann Francisco ng Bulacan.
Ang mga natuto ng dibdiban naman ay ang mga sumusunod: Evelyn A. Abayan, Catherine Baga, Rachelle Barroca, Alena Datul, Angelita A. Deo, Maricel Dapiaoen, Vilma Ferrer, Gere Galot, Florita Gapan, Lalaine Hernandez, Flordeliza Ildefonso, Flordeliza Piano, Melba Paticaoen, Saroja Murigiah, Delaila Tizo, Jean Urbano, Maryjane Donato, Lilibeth C. Obar.
May napili na ang mga hurado na natatangi ang gawa, at makakatanggap ng pagkilala sa araw ng kanilang pagtatapos sa darating na buwan.
Ang mga nagnanais sumali sa mga pagsasanay ng grupo ay maaring tumawag kay Agustina Villaruz sa numerong 94514596 para sa karagdagang impormasyon.