Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Inulan man ang Sining sa Bote, natuloy pa rin ang pasinaya

20 November 2017

Ni Marites Palma

Hindi nagpatalo sa buhos ng ulan ang mga naging kalahok sa Sining sa Bote na idinaos noong Nob. 12 sa Chater Road, at pinangunahan  ng Organic Environmental and Cultural Organization.

Ang paligsahan ay isinagawa para maipalaganap ang kaalaman tungkol sa pagkasira ng kalikasan, at para maihayag ang pagtutol  ng grupo sa Philippine Mining Act of 1995.

Sinisipat mabuti ng mga hurado ang kasali sa Sining sa Bote.
Ayon kay Norman Uy Carnay na siyang panauhing pandangal,  93 %  ng likas na yamang mineral ng Pilipinas ay  napupunta lamang sa mga ganid na dambuhalang dayuhang korporasyon na nagmimina ng malawakan  sa mga kabundukan sa ating bansa. Wala daw halos napapakinabangan sa malawakang pagmimina na ito, dahil 004 % lamang sa kanilang kita ang pumupunta sa pansamantalang trabaho para sa mga Pilipino.

Ang pinakamasaklap ay ang  pag-iwan ng mga kumpanyang ito ng mga nakalalasong kemikal na sumisira sa kalikasan, at nagdudulot ng panganib sa mga mamamayan.

Walang daw magandang naidulot ang malawakang pagmimina, dahil kung titingnan ang mga lugar na pinagmiminahan gaya ng Benguet ay makikita na mataas ang bilang ng mga migrante na mula dito.  Patunay daw ito na hindi nakakatulong sa pangkalahatan ang pagmimina, bagkus ay pinakikinabangan lamang ito ng mga dayuhan kumpanya sa pakikipagtulungan ng mga ganid na pulitiko

Dahil dito, hinikayat ni Carnay ang grupo na na lalong paigtingin ang kampanya sa pagtutol sa Mining Act of 1995 upang malaman ng karamihan ang nakamamatay na epekto ng malawakang pagmimina ng mga dayuhan sa ating mga kabundukan.

Bagaman umulan ay nagpakitang gilas ang FMWU Chater Road Chapter na pinangungunahan ni Bing Yungco sa pamamagitan ng isang awiting pangkalikasan.

Ang unang gantimpala sa sining sa bote ay mula sa Likha, sinundan ng FMWU CRC at pumangatlo ang Cuyapo.

Ayon kay Jen Cabanez na siyang pangulo ng Organic, umpisa lamang ito ng hayagang pagtutol ng grupo sa malawakang pagmimina ng mga dayuhan sa Pilipinas. Papaigtingin pa raw ng kanyang grupo ang nasimulang adhikain para sa kaligtasan ng bawat Pilipino.

Don't Miss