Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hindi makuntento sa suweldo

17 November 2017

Laking panghihinayang ni Berto, 45, at taga Bicol, dahil wala siyang naipundar sa pagtatrabaho bilang driver sa nakalipas na 15 taon. Ilang kontrata lang kasi ang nabuo niya dahil sa paghahangad  ng mas mataas na sweldo.

Naiinggit kasi siya tuwing maririnig sa mga kapwa drayber sa parking area kung magkano ang kanilang sinasahod, na mas malaki sa kinikita niya.

Dahil sa dami ng employer na nalipatan niya ay nakilala na siya ng isang immigration officer. “You again?” daw ang nababanggit ng taga Immigration tuwing magpapasok siya ng bagong kontrata.

Mabuti na lang at basta may naipasok siyang bagong kontrata ay tinatanggap nila, dangan nga lang at kailangan niyang umuwi para doon hintayin ang bagong visa. Sa dalas ng kanyang pag-uwi ay nahirapan siyang mag-ipon.

Buti pa nga daw ang kanyang kumpare na halos kasabayan niyang dumating sa Hong Kong. Nakapundar na ito ng sariling lote, bahay, at  sakahan sa Pilipinas, kahit sa umpisa ay minimum lang ang suweldo nito.

Sa kaka recontract nito ay nadagdagan nang nadagdagan ang kanyang suweldo, at nabigyan pa ng long service pay. Libre din ang kanyang tirahan at pagkain dahil marunong siyang makisama sa kasambahay.

Sa katunayan, kapag maglalaba siya at kailangan siyang umalis, napapakiusapan pa niya ang kasamahan na isampay ang mga damit niya.

Kailan lang napagtanto ko, sabi ni Berto, na hindi maganda ang palipat lipat. Una, hindi ka makakapag plano sa iyong kita, at wala kang maipupundar. Kapag nagkakaidad ka na ay saka ka lang mapapaisip na ikaw ang nalugi dahil sa pagnanasang pataasin lagi ang iyong suweldo. Sa mga nalalabing ilang taon pa bago siya mag retiro ay pagsusumikapan daw ni Berto na makabawi para umayos din ang kanyang buhay. –George Manalansan

Don't Miss