Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bawal ang maghugas ng buhok

02 November 2017

Si Jessa ay Ilongga na tubong-Dingle, Iloilo.  Sa unang amo niya sa Tsuen Wan ay wala siyang naging problema sa paliligo at paghuhugas ng katawan at buhok. Nakaapat na taon siya sa amo na hindi siya pinagbawalan sa paliligo. Kaya lang hindi na siya pinapirma ng panibagong kontrata dahil ayaw magbayad ang amo ng long service pay.

Bago umuwi sa Pilipinas ay nagpunta si Jessa sa agency at nagpa-interview.  Masuwerte naman siya at may pumirma agad sa kanya, kaya umuwi siya muna sa Iloilo at doon hinintay ang kanyang visa.

Pagbalik niya noong Set. 16 ay dumiretso siya sa tirahan ng kanyang bagong amo na isang government housing unit na may dalawang kuwarto at isang banyo. Simpleng pamilya ang kanyang bagong amo na isang matandang binata at tatatlo sila sa bahay, kabilang na ang ina ng amo.

Noong unang mga araw ay naglinis siya kaagad ng mga kabinet pero nag-text ang pamangkin ng kanyang amo na huwag galawin at linisin ang mga kuwarto ng kanyang tiyuhin at lola. Masyadong nakababagot tuloy ang kanyang araw dahil nakaupo lang siya palagi kapag walang kinakalikot.

Nagtext din ang pamangkin ng amo na may pamahiin pa umano ang kanyang lola na puwedeng maghugas ng katawan araw-araw pero hindi puwedeng maghugas ng buhok. Depende iyon sa buwan. Kaya ngayong Nobyembre, dalawang beses lang siya makakapaghugas ng buhok at minarkahan niya iyon sa kalendaryo at sa Disyembre ay tatlong beses lang.

Ang kanyang ginagawa habang natutulog ang kanyang lola sa hapon ay dali-daling pumapasok sa banyo para maligo at maghugas ng buhok. Ayon kay Jessa, kaunting tiis at tiyaga na lang dahil may kasungitan itong lola at wala naman siyang ginagawa sa buong maghapon.

Wala raw siyang napaglilibangan kundi ang kanyang cellphone at ang pagbabasa ng The SUN kapag hindi pa siya nauubusan ng kopya. Si Jessa ay 40 anyos at may isang anak na dalagang nasa ikaapat na taon sa BS Accountancy. N

ag-aaral ang kanyang anak sa Maynila dahil pumisan ito sa dalawang kuya ni Jessa na sa Cavite nakatira. Mag-isa lang siyang tumutustos sa pag-aaral ng kanyang kaisa-isang anak. --Merly T. Bunda

Don't Miss