Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tinakbuhan ng mangungutang

16 October 2017

Sising sisi ngayon si Ruby dahil pinagamit niya ang kanyang pangalan sa isang taong nakasabay lang niyang mag-training sa OWWA at kapareho ng employment agency para ito makapangutang.

Hindi ito nagbayad at kasalukuyang nagtatago kaya si Ruby ang nagbabayad sa pautangan para hindi siya maeskandalo at matanggal sa trabaho, lalo at napakabait pa naman ng kanyang amo.

Hindi kaiba sa ilang nabola ng mga talamak na mangungutang ang nangyari kay Ruby. Dahil sa matamis na dila ng kausap ay ni hindi niya ito pinapirma ng kasulatan nang ibigay niya dito ng buong tiwala ang pera mula sa pautangan.

Ni wala man siyang kopya ng pasaporte o HKID ng nangutang kaya lalo siyang hirap maghabol ngayon. Hindi na niya ito matawagan sa telepono, at naka block na siya sa dalawang Facebook account nito.

Pinayuhan siya ng isa pang kasamahan sa agency na lapitan ang nag recruit sa kanila para makuha ang ilan pang impormasyon tungkol sa balasubas nilang kakilala. Pagkatapos ay pumunta daw siya sa assistance to nationals section ng Konsulado at subukang humingi ng tulong para papanagutin ang nagtatago na ngayong Pilipina.

Naging mapait na karanasan ito kay Ruby, na nagpapayo ngayon sa mga katulad niyang bagong salta na huwag basta-basta magtitiwala kahit kanino, lalo na sa mga nakasabayan lang sa agency. Huwag daw maawa sa kanilang mga drama dahil baka ikaw naman ang maging kawawa sa bandang huli. Si Ruby ay tubong Cagayan Valley, may asawa at anak, at mag-iisang taon na naninilbihan sa mga among taga Ma On Shan. – Marites Palma

Don't Miss