Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Paggawa ng tinapa at embutido, itinuro ng BSK

23 October 2017

Dumayo ang Balikatan sa Kaunlaran – Hong Kong Council  sa Deepwater Bay noong Okt. 5, isang statutory holiday, para turuan ang 43 Pilipina ng paggawa ng tinapa at embutido bilang bahagi ng kanilang pagsasanay pang-kabuhayan o “livelihood skills training”.

Ayon sa presidente ng BSK na si Ching Baltazar, kailangang samantalahin ng mga kapwa niya migranteng manggagawa ang pagsali sa ganitong libreng pagsasanay bilang paghahanda para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Isang malaking oportunidad daw ito para matuto sila ng pagkakakitaan sa kanilang pag-uwi, at para din magamit nila ang kanilang natutunan sa pagluluto para sa kani-kanilang pamilya.

Isa sa mga dumalo si Alicia, na nagsabing mas gusto niyang gugulin ang kanyang libreng oras sa pagsasanay para sa dagdag-kaalaman imbes na tumambay o gumala kung saan-saan. Kahit galing pa siya sa Ma On Shan ay nagsikap siyang dumalo dahil sa laki ng interes niya na matutunan ang paggawa ng tinapa at embutido.

Karamihan sa mga dumalo ay ganito din ang sinabi, lalo na iyong mga nakatira sa tabing-dagat sa Pilipinas, kung saan sigurado silang makakuha ng mga sariwang isda para gawing tinapa. Mabuti daw at hindi lang paggawa ng tuyo o bagoong ang alam nilang gawin ngayon. – Ellen Almacin

Smoked Fish

(from BSK’s Maritess Llagas Mapa)

Materials for smoking:
3 tbsp pu’er tea (or any available tea in bag)
3 tbsp jasmine tea
8-10 pcs rose buds
3-4 tbsp brown sugar or 2 bars rock sugar
3 tbsp raw rice

Ingredients:
1 1/2 kg galunggong (can be replaced by bangus, tunsoy or tamban)
1 bottle Chinese fish marinade
1 1/2 tbsp salt
1 tbsp monosodium glutamate (MSG)
1 1/2 tbsp black pepper

Procedure
1. Wash and clean the fish very well, but do not remove the head and intestines. Drip dry.
2. In a large sauce pan, marinate the clean fish with the Chinese fish marinade together with the other ingredients.
3. Marinate 6 to 8 hours, then drip dry for 1/2 day.
Mga sangkap upang bumango ang usok.
4.  Arrange the marinated fish in a big woven bamboo steamer, ready to smoke.
5. Line up a wok with aluminum foil, then pre-heat the wok on the stove.
6. Add all the ingredients for smoking, then top again with aluminum foil (you can substitute banana or guava leaves), before putting on the wok cover. Make sure that everything is airtight.
7. Smoke for about 15 minutes. The fish is then ready to be served as is, or fried slightly.



Don't Miss