Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Magkakapitbahay nagdiwang ng mid-autumn festival

16 October 2017

Ni George Manalansan

Masayang nagtipon-tipon ang ilang daang katao mula sa iba-ibang lahi sa taunang selebrasyon ng mid-autumn festival sa Worldwide Gardens sa Shatin noong Oktubre 4.

Ang mga nangasiwa sa pagdiriwang na ito ay ang Incorporated owners of Wordwide Gardens at sponsor ang Shatin District Council.

Ang pagdiriwang ay tinampukan ng mga palaro para mga bata, kantahan, sayawan, at pa raffle. Lahat ng mga sumali sa programa ay tumanggap ng ‘lai mat’ o regalo.

Basta may kantahan, siguradong hindi papaiwan ang mga Pilpino. Isa sa mga naghandog ng awit ay si Rachel na kumanta ng “Fame.”

Kasama ang  mga OFW sa mid-autumn fun night ng Worldwide Gardens Shatin noong Oct 4.
May Pilipina ding sumali sa sayawan, na sinabayan sa pag-indak ng marami, kabilang ang mga employer na dumalo kasama ang kani-kanilang mga kasambahay. May mga Intsik, Indian, Pilipino at Indonesian sa mga nakisaya.

Lalong sumaya ang gabi nang idaos ang paripa o raffle. Kahit hindi kalakihan ang mga premyo, marami pa rin ang umasam na mabunot ang  kanilang numero, at makamit ang isa sa mga nakabalot na regalo.

Kabilang sa mga sinuwerte nang gabing iyon sina Brenda at Joan na parehong Pilipina. Ang mga premyo ay iba-iba, may powerback, photo frame, bath mat at kung ano-ano pa.

Nagpatuloy ang kasiyahan bagamat paminsan-minsan ay bumubuhos ang ulan.

Alinsunod sa tradisyon, marami sa mga bata ang naglibot na may tangan-tangang lantern na may iba’t ibang hugis at kulay, at lahat ay may ilaw sa gitna.

Ang taunang selebrasyon na tinatawag ding Mooncake festival ay isinasagawa sa ika-15 araw ng ika-walong buwan ng lunar calendar. Ito ang pangalawa sa pinaka-importanteng selebrasyon ng mga Intsik, pagkatapos ng Chinese New Year. Para sa kanila, ang kahulugan ng taunang pagdiriwang na ito na tanda ng pagpapalit ng panahon ay pagkakaisa at kapayapaan.

Don't Miss