Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bad trip si Lola

04 October 2017

Banas na banas na si Greg, 38, Kapampangan, sa ingay na ginagawa ni Lola paggising nito ng madaling araw.

Nung minsan na mapuno siya, bandang alas singko ng umaga, ay itinodo nya ang volume ng kanyang mini hi-fi, na gumulantang sa buong flat. Napabalikwas ng gising ang babaeng kapatid ng kanyang boss, at pupunga-pungas na sinugod ang kuwarto ni Greg at nagtanong ng, ‘What happened, what is that noise?”.

Sumagot naman si Greg ng “sorry”, at ipinaliwanag kung bakit naisipan niyang mag-ingay. Ito kasing si lola na nasa edad 80 na ay madalas lumikha ng ingay sa kusina na katabi ng store room na ibinigay bilang tulugan kay Greg.

Nakagawian na nito ang hindi magsindi ng ilaw para mag-init ng tubig para sa kanyang tsaa kaya gumagawa ng maraming kaluskos sa kusina. Ang suot pa nitong jacket ay may maliit na bell na nag titiling-tililing habang paikot-ikot ito sa kusina. Ngunit ang talagang ikinainis ni Greg ay noong nabitawan nito ang takure at kumalampag ito nang husto.

"Grabeeeee!" kuwento ni Greg na inis na inis.

Nang malaman ng kanyang amo ang tungkol sa nangyari ay namagitan ito sa kanila ng matanda. Sinamantala naman ito ni Greg para isa-isahin ang epekto ng kulang sa tulog. “Sir”, sabi niya, “when I’m driving and I feel sleepy, it is very dangerous”. Tumango-tano naman si boss na nag-iisip.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tinanong nito si Greg ng, “Kung ipapagawa kita ng kuwarto sa mismong bahay ko hindi mo kami iiwan?” Lihim na natuwa si Greg dahil wala naman sa isip niya na layasan sila. Pero sinagot pa rin niya ito ng, “No Sir, I will continue working with you.”

Nagpasalamatan silang mag-amo at nag-ngitian. Pakiwari ni Greg tumaas pa ang respeto sa kanya ng amo dahil sa kanyang pagiging tapat. – George Manalansan

Don't Miss