Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nabiyayaan ang hindi niya pagsuko

19 September 2017

Pagkatapos ng pitong kontrata ni Maria ay biglang nagbago ang turing sa kanya ng mga among Intsik. Kung dati ay napakabait ng mga ito sa kanya at hindi madamot, ay kabaligtaran lahat ang ipinakita sa kanya kamakailan.

Bigla na lamang siyang pinagbawalan na gumamit ng telepono at pinaghigpitan sa perang ginagastos para sa kanilang kinakain. Ang komportable niyang kama ay pinalitan ng matigas na higaan, at pinuno ng gamit ang kanyang kuwarto. Pati ang susi na hawak niya ng ilang taon ay binawi din.

Dahil hindi niya maintindihan kung bakit naging ganito ang trato sa kanya ay hindi niya napigilang magsumbong sa matalik niyang kaibigan. Ayon naman dito, sa 14 taon niyang paninilbihan ay malaki na ang kanyang tatanggaping long service sakaling ang amo ang umayaw sa kanya. Marahil, sabi pa ng kaibigan, ay talagang ginagalit siya ng amo para siya na ang sumuko.

Kahit araw-araw siyang umiiyak sa ginagawang pambabastos sa kanya ng amo ay nagtiis siya dahil nanghihinayang siya sa makukuha niyang kabayaran kung sakali. Umabot sa dalawang buwan ang kanyang pagtitiis bago sinabi ng amo na puwede na siyang umalis dahil hindi na daw nila kailangan ang kanyang serbisyo.

Ibinigay naman ang lahat ng dapat niyang matanggap, pati ang para sa long service.

Napatalon siya sa tuwa dahil nagbunga ng maganda ang kanyang pagtitiis at pagiging kalmado.

Ngayon kahit 56 taong gulang na siya ay naghanap pa rin siya ng amo dahil gusto niyang masuportahan ang kanyang tatay na mahina na. Sinuwerte naman siya dahil mukha naman daw mababait ang kanyang mga bagong amo. Pumayag pa daw sila na maghintay sa kanyang pagbabalik para alagaan ang bagong silang nilang anak. Si Maria ay isang Ilokana, 56 taong gulang at dalaga. – Marites Palma

Don't Miss