Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kinantiyawan ni lalaki, ipinagtanggol ni babae

01 September 2017

Laging iniinda ni Emma ang masakit na mga balikat. Alam niya na dahil ito sa halos araw-araw na pagdadala niya ng mabibigat lalo na tuwing namamalengke. Kaya naman, matapos ang mahigit isang taon na pangungulit ng kanyang among babae ay nakumbinsi din siyang bumili ng trolley o bag na de gulong.

Isang umaga, pagdating ni Emma mula sa palengke ay nadatnan niya ang mag-asawang amo sa kusina.

Nang makita ng among lalaki ang kanyang bitbit na trolley, natatawa nitong sinabi na sa kanilang lugar daw sa Inglatera, mga matatandang babae lang ang gumagamit ng trolley kapag namamalengke.

“Oh my goodness! Did you know that it took me a year to convince her to use a trolley?” ang sabi ng kanyang among babae sa asawa nito. Natatawa namang humingi ng paumanhin ang kanyang among lalaki. Hindi na rin napigilan ni Emma na tumawa lalo na nang kunin ng among lalaki ang trolley at ilang ulit na umikot sa kusina. Si Emma, 30, ay naninilbihan sa isang pamilyang Briton. –Gina N. Ordona

Don't Miss