Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

‘Idulog kay Atorni,’ babalik sa Oktubre

26 September 2017

Muling darating sa Hong Kong sa Okt 7 ang mga abogado ng Integrated Bar of the Philippines Central Luzon Chapter upang magbigay ng libreng konsultasyon sa mga OFW rito ukol sa mga problema nila sa Pilipinas.

Ang misyon na tinawag na “Idulog Mo Kay Atorni – 5”, ay handog ng Konsulado sa pakikipag-ugnayan ng IBP Central Luzon, at gaganapin sa PCG conference room sa ika-14 na palapag ng United Centre sa Admiralty.

Dalawang araw na magbibigay ng libreng konsultasyon ang isang pangkat ng mga abugado mula sa nasabing sangay ng IBP upang mabigyan ng pagkakataon ang mga OFW na ilapit ang kanilang mga usaping legal.

Ang unang konsultasyon ay isasagawa mula ika-10 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon sa Sabado, Okt 7. Susundan iyon ng isa pang sanggunian mula ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon sa Linggo, Okt 8.

Marami namang bagay-bagay ang tatalakayin ng mga abogado sa Legal Forum mula ika-4 hanggang ika-5:30 ng hapon.

Sa mga nagnanais dumalo, maaaring magpalista at magtakda ng appointment sa
pamamagitan ng telepono 2823-8537 (Cholo) o 2823-8511 (Charlene).
Maaari ring magpadala ng email sa cru.pcghk@gmail.com.


Don't Miss