Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hinahon sa pagtrato sa bata

19 September 2017

Bago pa lang sa Hong Kong si Madel na tubong Capiz, pero sa edad na 22 ay agad niyang natutunan ang mga dapat gawin habang naninilbihan sa isang pamilya na mula sa ibang lahi. Mabuti naman at mababait ang kanyang mga among Intsik at ang dalawa nilang anak na 11 at 7 taong gulang.

Malambing si Madel sa mga bata kaya agad niyang nakuha ang loob ng mga ito. Ang pinakamalaking problema na lang niya ay ang bagal sa pagkain ng bunsong alaga.

Dahil sa kusina siya kumakain ay ang amo niyang babae ang nagpapakain sa bunso.

Isang gabi, nagalit ang amo dahil ayaw kumain ng bata kaya pinalo niya ito sa kamay. Umiyak ang bata kaya lumabas si Madel at tumayo sa tabi ng amo para siya na ang magpakain sa alaga. Nguni’t hindi pa pala tapos magparusa ang amo.

Nang akmang papaluin muli nito ang bata ay hinawakan ni Madel ang kamay ng amo, bago dahan-dahang nilagay sa mesa, sabay tapik sa balikat, at ang sabi ay, “I will help you feed Sai Lo”.

Nagulat din si Madel sa kanyang ginawa pero ikinatuwa naman ito ng mag-asawa dahil napakita niya na maaaring idaan sa hinahon ang pagpapakain sa bata. Simula noon ay kasama na nila sa hapag kainan si Madel at sobrang napamahal na siya sa buong pamilya. - Rodelia Pedro

Don't Miss