Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ex-HK OFW, pumanaw na

19 September 2017

Ni Merly T. Bunda

Inilibing noong Set. 16 si Gemma P. Albacete, 37, at dating domestic helper sa Hong Kong, sa bayan ng Duenas, Iloilo, tatlong linggo matapos mamatay dahil sa cancer sa dila.

Una nang naibalita sa The SUN na dinala si Albacete ng kanyang amo sa ospital noong mga unang buwan ng kasalukuyang taon dahil hindi gumagaling ang kanyang sugat sa lalamunan matapos siyang matinik sa isda. Sa isinagawang pagsusuri ay nakitang may bukol na tumubo sa kanyang lalamunan, at ito ay cancerous.

Nang matapos ang kanyang unang kontrata among Intsik noong katapusan ng Abril ay gusto sana siyang pirmahan pang muli para maipagpatuloy niya ang pagpapagamot dito, nguni’t nalaman nilang hindi na siya puwedeng pa-insure dahil sa kundisyon niya.

Pagbalik niya sa kanilang bayan sa Dingle, Iloilo ay ilang beses siyang naglabas-masok sa ospital nguni’t patuloy na lumala ang kanyang kundisyon.

Labis ding nagpalungkot kay Albacete ang balitang ang dati niyang alaga na matanda sa Hong Kong na isang retiradong empleyado ng gobyerno ay namatay na.

Naulila ni Albacete ang kanyang asawa at apat na anak na nasa elementarya at high school pa lang.

Ipinaabot ng kanyang pamilya ang pasasalamat sa lahat ng mga kaibigan at kakilala ni Albacete para sa kanilang mga dasal at pakikiramay.
Don't Miss