Kahit pinabaunan siya ng amo ng $2,500 ay hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kamahal ang pagpapatingin sa ospital kung saan siya pinapunta ng amo.
Pero laking pasasalamat ni Edna dahil agad na bumuti ang kanyang pakiramdam. May isang linggo na kasi siyang nilalagnat at masakit ang tainga at kahit binibigyan siya ng mga amo ng gamot ay hindi siya gumagaling.
Sabi ng doktor, “severe infection” ang kanyang naging sakit at kailangan talaga niyang magpatingin para maresetahan ng gamot at gumaling.
Isa si Edna sa mga masuwerte sa amo dahil hangad nila ang kanyang mabuting kalusugan at hindi nanghihinayang sa kanilang gagastusin para masigurado na nasa mabuti siyang kalagayan. Sa katunayan ang amo pa mismo ang nagpapaalala kay Edna kung napatakan na niya ang kanyang tainga ng gamot na nireseta ng doktor.
Ayon sa among babae, “You are one of my children I need to take care of. My three kids, sir and you”. Sabay na nagtawanan silang dalawa dahil sa tinuran ng amo. Si Edna ay tatlong taon pa lang nagtatrabaho sa mga among taga Discovery Bay. - Rodelia Pedro