Medyo nagsisisi na nga siya at pumayag pa siyang pumirma ulit ng kontrata. Ang mas masaklap nakatakdang magbakasyon ngayong Agosto ang kanyang mga amo, at ang gusto ay umalis siya sa bahay nila habang wala sila.
Pinamili siya kung gusto ba niyang manatili sa Hong Kong o umuwi sa Pilipinas, sa kundisyong ang sapilitang pagbabakasyon niya ay ikakaltas sa kanyang annual leave.
Bagamat napipilitan ay sinabi niyang mas gusto niyang manatili sa Hong Kong dahil wala siyang malaking ipon para magbakasyon sa Pilipinas.
Ngayon ay napag-isip isip ni AJ na parang hindi tama na ipagtabuyan siya ng mga amo gayong wala pa naman siyang balak magbakasyon, at ang gusto niya ay sa piling panahon niya gugulin ang kanyang annual leave.
Sa kanyang pagtatanong, may nagsabi kay AJ na hindi niya dapat sundin ang utos ng amo na magbakasyon siya. Dapat ay magkasundo silang pareho kung kailan niya gustong gamitin ang mga araw na itinakda para sa kanyang pagbabakasyon.
Nagdesisyon siya na pumunta sa Philippine Overseas Labor Office at manghingi ng tulong o sulat na maaari niyang maipakita sa mga amo para malaman nilang labag sa kanilang kasunduan ang gusto nilang mangyari. Si AJ ay dalaga. —
DCLM