Kamakailan ay nagpunta si Erma sa bahay nito para maglinis. Walang ibang tao sa bahay noon dahil nasa ibang bansa ang may-ari.
Habang nililinis ni Erma ang ilalim ng sofa ay bigla siyang napatigil dahil may bumara sa vacuum cleaner. Dahil ang akala niya ay tissue lang iyon ay kanya itong nilamukos at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Ngunit muli na namang may bumara.
Saka pa lamang napansin ni Erma na pera pala ang bumabarang iyon. Sa una ay inakala niya na peke ang mga perang iyon, katulad ng ginagamit ng mga Intsik sa pagpa-paysan. Mahilig din kasi sa mga manghuhula ang amo.
Dahil sa mahirap silipin ang ilalim ng sofa ay ginamit ni Erma ang flashlight ng kanyang cellphone.
Laking gulat niya nang makita na marami pa palang pera sa ilalim ng sofa. Isa-isa niya itong kinuha at binilang. Umabot sa walong libong dolyar ang kabuuang halaga ng natagpuan niyang pera.
Agad naman niya itong pinaalam sa may-ari sa pamamagitan ng whatsapp. Maging sa kanyang amo ay pinaalam niya ito. Sinabi ng lalaking amo na hindi niya alam kung saan nito nawala ang pera. Ilang linggo na daw itong nawawala at hindi niya makita.
Tinanong nito si Erma kung pitong libo ba lahat ang pera at sinabi ni Erma na walong libo. Laking tuwa at pasasalamat ng amo dahil ibinalik ni Erma ang pera, at sinabing iwan na lamang ito sa loob ng kanyang kwarto.
Si Erma ay magsa-sampung taon nang naninilbihan sa kanyang among Intsik nitong darating na Oktubre. Siya ay tubong Cordon, Isabela. – Emz Frial