Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kasinungalingan ni Mildred

17 August 2017

Walang katotohanan. Ito ang nagkakaisang tugon ng isang grupo ng mga Ilongga matapos mapanood ang pagsasadula kailan lang ng programa sa GMA na ‘Magpakailanman’ sa kwento ni Mildred Perez-Bonde, na dating tinaguriang “Honest OFW ng Hong Kong”.

Nakilala si Mildred sa Hong Kong noong 2009 nang sabihin niya sa isang interview na nakapulot siya ng pera halagang Ph2.1 million mula sa basura, at isinauli niya iyon sa may-ari. Pinahanga niya ang marami dahil ayon pa din sa kuwento ni Mildred, namumulot lang siya ng basura sa Yuen Long para may maipantustos sa sarili at sa pamilya habang hinihintay na maresolba ang kasong sexual harassment laban sa kanyang among pastor.

Sa kalaunan ay napatunayan na walang perang napulot si Mildred kundi mga tseke na nakapangalan sa isang kumpanya at hindi niya puwedeng maangkin. Ibinasura din ng pulis ang kaso niya laban sa dating amo dahil walang sapat na ebidensya.

Kabilang sa mga galit hanggang ngayon sa nangyari ay si Lorie Pecasis na nagsabing hindi na sana dinugtungan ng drama sa TV ang ginawang pagsisinungaling ni Mildred.

Ganito rin ang saloobin ni Eleuteria Baligwat, na kabilang sa mga nagbigay ng pera kay Mildred noong minsan na mapadpad ito sa tambayan nila sa may City Hall. Awang awa daw siya kay Mildred noon, iyon pala ay marami itong gamit na naipundar kaya 10 jumbo boxes ang naipadala nito bago umuwi sa Pilipinas.

Si Marion Diaz na ilang taon nang nakatambay sa may City Hall ay nag-abot din ng pera kay Mildred sa awa nito sa kapwa Pilipina na nagsabing walang wala ito.

Nakuha din ni Mildred sa pag-iiyak ang kapwa Ilongga niya na si Ace Jewel Jarollina. Bagama’t galit dahil sa ginawa ni Mildred ay sinisi din niya ang GMA dahil diumano sa pag-uulit nito sa isang malaking kasinungalingan.

Si Aidyll Datorin Quinlat naman ay naalala ang pagbibigay niya ng isang malaking karton ng Tide dahil sa  ang sabi ni Mildred noon ay wala siyang sabon para sa sariling damit; iyon pala ay malakas siyang gumamit ng sabon dahil nilalabhan ang mga damit na pinulot para maitinda bilang ukay-ukay sa kanilang bayan.

Si Neneng Bunda naman ay nagbibigay noon ng pera para pamasahe ni Mildred pabalik sa Yuen Long mula sa Central kung saan inilalako niya ang kanyang pekeng kuwento para makahingi ng limos, at pati pandagdag sa kanyang pambili ng pagkain sa buong linggo. Minsan ay binigyan pa niya ng pambayad para sa extension ng kanyang visa.

Sa lahat wala nang mas inis kundi ang may-akda nito na nagbigay ng pera at naglapit kay Mildred sa maraming tao dahil awang-awa siya rito noon.

Ang lalong ikinainis ng mga Ilongga ay parang ipinalabas ni Mildred na walang kapwa Pinay ang tumulong sa kanya noong panahong kailangang kailangan niya. Hindi naman daw sila naghihintay ng kapalit pero kahit paano sana ay nagpakita ito ng pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya noon. Sana, sabi nila, makaabot ang kanilang reklamo sa GMA at huwag na nilang buhayin at dugtungan pa ang mga kasinungalingan ni Mildred na ikinasira ng mga kapwa niya OFW. –  Merly Terne Bunda
Don't Miss